^

Punto Mo

Aral ng COVID-19: Ang kalusugan ay kayamanan

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

MAY kasabihan na “Health is Wealth,” ang kalusugan ay isang kayamanan. Hindi mo ma-e-enjoy ang iyong kayamanan kung may problema ka sa kalusugan. Kung malusog ka, kahit karaniwan lamang ang iyong kinikita ay para kang may napakalaking ipon na kayamanan. Kahit mayaman ka, kung may malubha kang sakit, maaaring maubos ang lahat ng iyong kayamanan sa pagpapagamot.

Ang isang aral na naituro sa atin ng pagkalat ng coronavirus ay ang kaugnayan ng kalusugan sa kayamanan o ekonomiya ng isang bansa. Dahil sa coronavirus, bagsak ang lahat ng ekonomiya sa buong daigdig, na kahalintulad, kundi man mas malala pa, sa nangyaring pandaigdigang krisis sa ekonomiya noong 2008.  Ngayon ay bagsak ang turismo, ang stock market, kakaunti ang tao sa mga malls, maraming bakante sa mga hotel, kanselado ang maraming biyahe ng mga eroplano sa iba’t ibang bansa.

Dito sa atin, ibinaba na ng NEDA ang forecast nito sa paglago ng ating ekonomiya, maraming negosyo ang pinangangambahang magsara, libu-libong manggagawa ang tinatayang mawawalan ng trabaho, at sinasabing maging ang remittances ng ating mga OFWs ay maaapektuhan.  Lubhang nakatatakot isipin ang maaaring ibungang kahirapan ng makabagong sakit na ito.

Ang mga senador ay nananawagan na para sa mga ekstraordinaryong hakbang upang mapigilan ang pagbagsak ng ating ekonomiya.  Bukod sa coronavirus, kakaharapin din natin ang posibleng masamang ibubunga ng pagkansela ni Presidente Duterte sa Visiting Forces Agreement, ang pinsalang bunga ng African swine fever at ng pagsabog ng bulkang Taal, at maging ang epekto ng Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA).

Ngayon, laging binibigyang-pansin ang kahalagahan ng pagiging malakas upang hindi kaagad maibagsak ng sakit at ang madalas na paghuhugas ng kamay upang mapatay ang mga mikrobyo.  Mahalaga ang kalusugan. Mas mahalaga pa kaysa kayamanan.  Kaya nakapagtataka na may mga taong “pinapatay” ang katawan kumita lamang ng pera.  Naghahanapbuhay tayo para mabuhay at hindi para mamatay.

Pinatunayan ng COVID-19 na ang materyalismo ay hindi destinasyon ng buhay.  Hindi ito ang layunin ng buhay.  Mas maraming mahalaga kaysa kayamanan, tulad ng kalusugan. Napakaganda ng sinabi ni Hesus sa Lucas 12:15, “Sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”

Ang dami ng kayamanan ang karaniwang ginagawa nating sukatan ng tagumpay ng isang tao.  Ang kaunlarang pang-ekonomiya ang siya ring karaniwang sukatan ng kaunlaran ng isang bansa.  Pero ang sabi nga ni Hesus, ang buhay ay wala sa dami ng kayamanan. Ang coronavirus ay nagsimula sa China na may higanteng eknomiya, sumunod sa Japan, pagkatapos sa South Korea, pawang mayayamang mga bansa. Ngayon, ang coronavirus ay nasa lahat na ng kontinente ng daigdig.

Napapanahon na pagtuunan ng tao at ng mga gobyerno ang kalusugan bilang basikong pangangailangan ng buhay.  Ang kalusugan ang dapat maging numero unong sukatan ng tagumpay ng isang bansa. Wika ni Mahatma Gandhi, “Ang kalusugan ang tunay na kayamanan, at hindi piraso ng mga ginto at pilak.”

 Kaya’t kung tutuusin, ang Department of Health ang dapat tumanggap ng pinakamalaking pondo sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, sa halip na ang Department of Education at Department of Public Works and Highways. Anong kuwenta ng diploma at tulay kung tayo’y mahina’t may sakit?

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with