^

Punto Mo

EDITORYAL - Kontrolin, pagpasok ng POGO workers

Pang-masa
EDITORYAL - Kontrolin, pagpasok ng POGO workers

HALOS lahat ng mga naka-empleo sa Philippine offshore and gaming operators (POGOs) ay mga Chinese. Nagsimula ang POGOs noong 2017. Bawal sa China ang pagsusugal kaya dito sa bansa itinayo ang on-line gaming business na aprubado naman ng Pagcor dahil kikita sa buwis.

Pero mula nang dumagsa sa bansa ang mga Chinese workers, marami na ring nangyaring krimen at problema na apektado ang mamamayan. Lumala pa ang problema sapagkat maraming illegal Chinese na nakapasok dahil sa kagagawan ng mga corrupt sa Bureau of Immigration gamit ang ‘‘pastillas’’. Dahil sa mga nangyayaring problema, panukala ng ilang mambabatas, suspendihin na ang POGOs sapagkat hindi naman talaga nakakatulong sa bansa.

Pero mariing sinabi ni President Duterte noong isang araw na tuloy ang POGO operation. Nakakatulong aniya ito sa bansa. Ang pondo na ginagamit sa ‘‘Build, Build, Build Program’’ ay sa tax na galing sa POGOs kinukuha at kamakailan, sinabi pa ng Presidente na dito rin kukunin ang pondo para sa COVID-19. Pati pangsuweldo sa mga guro, nurse at pulis ay sa POGOs kukunin.

Kung tuloy ang POGOs, tiyak tataas pa ang insidente ng kidnapping na pawang mga Chinese ang gumagawa at ang kinikidnap ay mga kababayan din nila na mga natatalo sa sugal. Hindi lang basta kidnapping ang nangyayari kundi may pinapatay pa kapag hindi nakabayad ng utang.

Kamakailan, naaresto ng mga pulis ang tatlong Chinese na nangidnap ng kanilang kababayan sa Parañaque City. Nagkaroon umano ng utang ang biktima kaya ito kinidnap. Nalulong sa sugal ang biktima. Ikinulong ng tatlong kidnaper ang biktima sa tinutuluyang hotel sa Parañaque.

Mga abusado rin ang ilang Chinese kapag nasa kalsada sa Metro Manila. May Chinese na nagmamaneho ng lasing at nananagasa ng traffic enforcer. Kamakailan, isang lasing na Chinese ang hinabol ng mga pulis makaraang takasan ang kanyang mga sinagasaan. Nang abutan ng mga pulis at aarestuhin, dinuraan ang isang pulis sa braso.

Nakakatulong ang POGOs sa ekonomiya pero per­wisyo rin dahil sa pagdami ng krimen at mga pang-aabuso. Kung hindi sususpendihin ang POGOs, sana limitahan ang pagpasok ng mga Chinese na nagtatrabaho sa POGOs. Dapat sawatain ang pagdagsa nila sa bansa.

 

POGO WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with