MINAMADALI ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang DepEd upang protektahan ang kalusugan at welfare ng mga guro at hindi kailangan silang magreport sa kanilang mga paaralan.
Binalaan ni Castro, ang DepEd officials na huwag ipasa ang bigat ng pag-disinfecting ng mga paaralan sa mga guro sa gitna ng suspensyon ng klase dahil sa COVID-19 virus lalo nang walang wastong patnubay at proteksyon.
‘Sa gitna ng COVID-19 virus, hinihimok namin ang DepEd na huwag gamitin ang mga guro bilang pawns at muling ipasa ang bigat ng disinfecting schools at pagbibigay ng karagdagang mga pananagutan lampas sa kanilang mandate,” sabi ni Castro.
Sabi nga, ang mga guro ay hindi immune sa sakit at dapat ding protektado sila ng gobyerno. Hindi sila kinakailangan mag-report sa mga paaralan para disimpektahin ang mga pasilidad nang walang wastong kagamitan.
Sila ay hindi armado ng tamang mga gamit at makinarya upang gawin ang mga gawain at mapilitan muling maglabas ng kanilang sariling pera para pambili ng disinfecting materials.
Birada ni Castro, ang pamahalaan ay dapat ipatupad ang Magna Carta Benefits for Public School Tearchers. Section 22 ng Magna Carta for Public School Teachers pinamagatang ‘Medical Examination at Treatment’ ay nagbibigay sa mga guro ng pampublikong paaralan na sumailalim sa libreng compulsory medical examination na bago mag-trabaho at dapat sumailalim sa libreng medical check-up at least isang taon.
Tirada ni Castro, may mandato ang DepEd ng parehong probisyon upang magbigay ng libreng medical treatment and/or hospitalization.
Dapat pabilisin ng DepEd at DBM ang pagpapalabas ng initial funds na P500 kada guro para sa taunang medical examination na pinondohan sa ilalim ng 2019 budget.
Sa parte ng DoH, paano makakapaghanda ang madlang people sa Philippines my Philippines kung mabagal ang information dissmenation kulang ang diagnostic test kits kaya naman ang people of the Philippines ay halos nagpa-panic kung paano nila maiiwasan ang magkasakit ?
“Panahon na naman ng budget call. Kailangang matiyak ng DoH na maibalik ang ilang ulit na tinatapyasang badyet para labanan ang mga nakahahawang sakit. Kailangang maging mas handa ang gobyerno na harapin ang ganitong mga krisis lalo na ang pinaka bolnurableng matatamaan dito ay ang mga Mahihirap nating kababayan na walang pambayad sa maayos na serbisyong pangkalusugan dahil nananatiling pribado sa nagiging prebilehiyo ang serbisyong ito,” banat ni Castro.
Ano sa palagay ninyo?
Abangan.