SI Nik Wallenda ang kauna-unahang tao na naglakad at tumulay sa tightrope na nakabitin sa ibabaw ng isang aktibong bulkan.
Tinaguriang “King of the Wire” dahil sa kanyang makapigil-hiningang paglakad sa mga tightrope, nakumpleto ng 41-anyos na si Wallenda ang pagtawid sa mismong bunganga ng Masaya Volcano sa Nicaragua.
Tumulay siya sa 1,800-talampakang haba ng lubid na nakasabit sa ibabaw ng bulkan. Nagawa niya ang pagtulay sa loob ng 30 minuto.
Hindi naging madali ang pagtawid ni Wallenda dahil sa malakas na hangin na nakaapekto sa kanyang balanse at sa usok na nanggagaling sa bulkan.
Noong nakaraang taon, nakapagtala rin ng world record si Wallenda nang maglakad siya sa isang tightrope sa Canada na nakasabit sa taas na 30 talampakan.