BUMAGSAK ang helicopter na sinasakyan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa at pito pa kahapon sa San Pedro, Laguna. Ligtas naman si Gamboa at ilang kasamahan maliban kina Maj. Gen. Mariel Magaway, ang hepe ng Directorate for Intelligence at Maj. Gen. Jovic Ramos ng Directorate for Comptrollership. Ipanalangin natin mga kosa na malampasan nina Magaway at Ramos ang malalim na pagsubok sa buhay nila. Bago ang insidente, naglabas ng memo si Gamboa na moratorium muna ang kampanya vs sugal-lupa, maliban sa jueteng, video karera at fruit games. Mukhang nahimasmasan na si Gamboa. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dapat lang higpitan pa ni Gamboa ang kampanya vs jueteng dahil ang unang naapektuhan nito ay ang gaming products ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Imbes na sa kaban ng gobyerno, aba sa bulsa ng gambling lords napupunta ang baryang taya ng mga sugarol. Sa tamang landas din si Gamboa kung ipagbabawal niya ang video karera at fruit games dahil karugtong ito sa droga dahil kadalasan mga adik ang naglalaro dito. Palipasan nga ng oras ng mga nakabatak ang dalawang makina. Kaya sa moratorium sa kampanya vs sugal-lupa, nakangiti na sa ngayon ang mga kubrador at iba pang nakikinabang sa sugal na sakla-patay, lotteng, ending, perya, at iba pa. Araguuyyy! Hak hak hak! May papel kaya si President Digong sa biglaang pag-atras ni Gamboa sa laban vs sugal-lupa?
Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na kaya naman nabago ang kambiyo ng hangin sa kampanya ni Gamboa vs sugal lupa ay dahil bumaba ang accomplishments ng kapulisan laban sa kriminalidad. Hindi naman kasi maganda na magkasabay na labanan ng PNP ang droga at illegal gambling dahil kakapusin sila sa pondo kahit tinaasan pa ang tinatawag na MOOE sa P1,390 at iba’t iba pang suporta na ibinaba ni Gamboa. Kasi nga kahit sandamukal ang pondong ibinaba sa mga line units, hindi talaga ito magkasya. Get’s n’yo mga kosa? Ang magandang halimbawa nito ay ang kampanya sa pag-serve ng arrest warrant sa mga kriminal kung saan ang pinakamababang gastusin dito ay aabot sa P3,000. Ang masama pa kapag no-bail ang suspect, aba mas malaking gastos lalo dahil kailangan mo pang i-transit ito sa korte na nag-isyu ng warrant. Araguuyyy! Ang lahat namang lakad vs kriminal ay may gastusin din dahil hindi naman puwede na ang gastos sa gas at meryenda ng mga pulis ay kukunin sa suweldo nila eh pampamilya ‘yun. Araguuyyy! Hak hak hak! Kaya drop muna ang lesser evil at puro droga muna ang aatupagin ng kapulisan at sana ay wala nang EJK ha?
Ang masama lang nito, bakit naging “black and white” pa ang memo ni Gamboa sa pag-atras ng kampanya vs sugal lupa dahil parang inamin niya na na-Wow Mali siya. Kung sabagay, lumaki sa comptroller family si Gamboa at hindi siya aral sa operation vs illegal gambling. He he he! Sori po! Kaya umpisa sa linggong ito, happy na naman si kosang Baby Marcelo, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kanya-kanyang raket lang ‘yan! Abangan!