^

Punto Mo

EDITORYAL - Bawal na ang plastic sa mga tanggapan ng gobyerno

Pang-masa
EDITORYAL - Bawal na ang plastic sa mga tanggapan ng gobyerno

INATASAN ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) sa bisa ng isang resolusyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na i-implement ang pagbabawal sa paggamit ng plastics sa mga tanggapan ng pamahalaan. Kabilang sa mga ibabawal ay ang plastic cups, drinking straws, coffee stirrers at mga disposable na kutsara, tinidor at kutsilyo. Pinaplantsa na ng DENR kung kailan ipatutupad ang kautusan.

Magandang hakbang ito para mabawasan at mawala nang tuluyan ang plastic sa buhay ng mga Pilipino.

Marami na ang nakaaalam sa masamang dulot ng single-use plastics o disposable plastics. Problema ang plastic pollution kaya nararapat na itong ipagbawal. Kung hindi ito sosolusyunan, malubhang problema ang kahaharapin ng mamamayan.

Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) 7 sa bawat 10 Pilipino ang gustong ipagbawal na ang paggamit ng plastics. Kabilang sa mga plastic na gustong ipagbawal ay ang tinatawag na sando bags, plastic straws at stirrers, plastic labo bags, styrofoam containers, sachets, tetra pack ng juices, plastic na baso, kutsara, tinidor, botelya ng juice at tubig. Ayon pa sa survey, 59.8 bilyong piraso ng plastic sachets at 17 bilyon na shopping bags ang ginagamit sa bansa taun-taon at ang mga ito ay humahantong sa mga estero, ilog at dagat. Ang Pilipinas ay pang-apat sa mga bansa sa Asia na malakas magtapon ng mga basurang plastic sa karagatan.

Noong nakaraang taon, nagpahiwatig si President Duterte na balak niyang ipagbawal ang paggamit ng plastic sa buong bansa. Nabanggit niya ito sa Cabinet meeting at maaaring lagdaan niya ang isang kautusan ukol dito. Maganda ang naisip na ito ng Presidente at nararapat niyang ituloy para makalaya sa plastic ang mga Pinoy.

Hindi lamang ang kapaligiran ang nasisira dahil sa paggamit ng plastic. Maski ang mga lamandagat o mga isda ay napipinsala at namamatay. Ilang whale shark na ang sumadsad sa dalampasigan at patay na. Nang buksan ang tiyan, nadiskubre ang maraming plastic na kinain nito na naging dahilan ng pagkamatay.

Ipagpatuloy ang paglaban sa plastic. Iligtas ang bansa sa lalo pang pagkasira.

GOBYERNO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with