^

Punto Mo

Tagapamagitan ang BITAG para magkasundo at magkapatawaran

BITAG KILOS - Ben Tulfo - Pang-masa

NORMAL sa isang pamilya ang magkaroon ng alitan, away o anumang klase ng ‘di pagkakaintindihan. Marami ang nagsasabi na kapag away-pamilya, mga miyembro lamang ang makakaresolba, wala nang makikialam. Subalit kung may kasama nang pananakit at pang-aabuso, nanghihimasok talaga ang BITAG.

Hindi para alamin kung sino ang tama at sino ang mali. Kundi para lumutang ang tunay na ugat ng problema at maging instrumento rin ito ng pagkakasundo ng bawat panig. Sa kolum na ito, nais ko lang ibahagi ang dalawang sumbong na tumatak sa akin. Hindi ako kasing bihasa ng utol ko pagdating sa mga away-pamilya pero iisa ang layunin namin, tuldukan ang anumang alitan.

Humahagulgol sa sobrang takot sa tiyuhin na kanya ring amo nang makausap ko ang isang binatang matadero. Bukod daw kasi sa pambubugbog ay kinakasahan sila ng baril ng kanyang tiyuhin. Nagpaunlak naman ang tiyuhin na makausap ko sa telepono at naunawaan ko ang pinaghuhugutan ng kanyang emosyon. Isang matagumpay na negosyanteng hindi talaga aral subalit ang naging puhunan ay sipag, pawis, dugo at hirap.

Ang nais lamang daw niya ay maayos na trabaho ng kanyang mga tauhan, mas malala pa raw noon ang kanyang paghihirap. Na-BITAG siya ng kanyang kayabangan, ganunpaman ay umamin ng pagkakamali’t natutong humingi ng tawad sa naagrabyado.

Halos madurog naman ang aking puso nang lumapit sa akin ang ina ng isang dating child star. Nilayasan daw siya ng kanyang anak at gusto niyang makasama etong muli. Labimpitong taong gulang na ang bata at kasalukuyang naninirahan sa kamag-anak ng kanyang Nanay. 

 Ayaw na raw niyang bumalik sa ina dahil bukod sa lulong daw ito sa sugal at droga ay sinasaktan na siya nito’t ibinubugaw rin daw.

Sa mga sagot at reaksiyon ng nanay noong mga oras na iyon, nais umandar ng pagka-topak ko. Tila ba gusto kong soplahin o kagalitan dahil sa sumbong na pang-aabuso sa bata, pakiwari ko traumatized na ito sa ina. Inimbitahan ko ang mag-ina na sumailalim sa isang debriefing sa aking kaibigan at clinical psychologist na si Dr. Camille Garcia. Iba na ang ikinikilos ng inang humihingi ng tulong, defensive at iritado na ito ng makaharap ang kaniyang anak at si Dra. Camille. Ang bata, ni ayaw nang magpahawak o madampian lamang ng kamay ng ina, halata ang takot at trauma.

Ipinipilit ng nanay na sa kanya tumira ang anak at kung hindi man, ayaw niya sa kanyang mga kamag-anak. Menor de edad man ay nasa tamang pag-iisip na ang bata para magdesisyon na sa kamag-anak pumirmi dahil maayos naman daw ang kanyang kalagayan. Bagamat nasunod ang child star sa kanyang desisyon na huwag bumalik sa ina, pumayag siyang dalaw-dalawin nito para ma-check ang kanyang kalagayan.

Sa bawat paghaharap, hindi kailanman naging layunin ng BITAG ang pagsabungin o kalkalin ang mga baho ng nagkukumprontahang pamilya. Tumatayong taga-pamagitan lamang ang BITAG para muling magkaintindihan, magkasundo at magkapatawaran ang bawat isa. Uploaded lahat sa BitagOfficial YouTube Channel ang mga istoryang ito. Kung may nalalamang kaparehong problema, #ipaBITAG mo na ‘yan!

PAMILYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with