^

Punto Mo

Chinese gov’t nagbabala sa kanilang mamamayan

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

ETO na ang utos ng Chinese government sa kanilang madlang people na pinagsusupetsahan gumagawa ng mga kabalastugan o mga telecommunication fraud tulad ng sa mga Philippine Offshore Gaming Operations na talamak sa Philippines my Philippines.

Ayon sa mga balita, kinansela ng Beijing ang mga passport ng mga Chinese nationals POGO workers.

Bakit?

Kailangan masugpo ang mga cross-border telecommunication fraud crimes. May listahan ang Ministry of Public Security ng China ng mga Chinese national na hininalang nakaka­gawa ng mga long-term telecommunication fraud crimes in other countries.

Pinangangaralan at inoobliga ng China ang madlang people nila na sumunod sa mga lokal na batas ng ibang countries at huwag magtrabaho nang ilegal dito.

Idinagdag pa ng embahada na mahigpit itong nakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng Pilipinas kaugnay ng naturang usapin.

Libu-libong Chinese national ang nagtatrabaho sa POGO industry dahil ilegal sa China ang online gaming.

Tumpak!

Ang pagdagsa ng mga Chinese worker ang nagbigay ng problema sa Philippines my Philippines tulad ng tax violations, kidnapping, prostitution, at ang ginagawang panunuhol ng mga ilegal na Chinese sa mga tauhan ng Bureau of Immigration.

Makipag-ugnayan sa Pilipinas para malabanan ang mga krimeng tulad ng telecommunications fraud, illegal online-gambling, money-laundering, illegal employment, kidnapping, extortion, murder, at iba pa para mapangalagaan ang interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa at maitaguyod ang China-Philippines friendship and cooperation.

Ano sa palagay ninyo ?

Abangan.

* * *

Ang tsekwang mandudura

Isang bastos, abusado at walang modong tsekwa ang pinadampot ni Mayor Isko dahil sa ginawang pandudura at pagmumura sa madlang Pinoy habang nasa isang fastfood chain sa Manila.

Ang pinasungkit at pinakakasuhan ay si Jinxiong Cai alyas Willy Choi, businessman at nakatira sa 45th floor Orchard Garden sa Manila.

Sabi ni Isko, dapat matuto ng good manners and right conduct ang kamote na pinasasampahan niya ng kasong grave scandal, unjust vexation, at maliscious mischief sa ilalim ng revised penal code.

Kailangan i-deport ito ng immigration for undesirable alien

Korek ka dyan !

Abangan.

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with