^

Punto Mo

DOTR Sec. Tugade nagmura dahil sa PCG!

BITAG KILOS - Ben Tulfo - Pang-masa

BIGLANG nagmura si Department of Transportation (DoTR) Sec. Arthur Tugade sa telepono.

Ang isyu, paggamit ng kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ng sasakyang may pulang plaka. Namick-up ng prosti sa may Quezon Avenue, Quezon City. Diretso check-in sa isang motel sa may Timog.

Agad humingi ng buong detalye si Tugade. Tinapos ko ang aming usapan sa pangakong bibigyan ko siya ng full BITAG written report sa nasabing insidente.

Ang pangyayaring ito’y naganap noong Dis. 7, 2019, madaling araw na. Aksidenteng nadaanan ng aming mga BITAG field investigators galing sa isang operasyon.

Naaktuhan ang pamimik-ap sa ilang prosti. Kaya’t tinutukan na ng mga BITAG staff at sinundan hanggang sa motel sa may Sct. Chuatoco.

Makailang beses na nakipag-ugnayan sa PCG ang BITAG sa pamamagitan ng kanilang spokesper-son na si Capt. Arman Balilo. Sagot ni Balilo, i-post na lang daw ng BITAG sa kanilang Facebook Page.

Nitong Pebrero, opisyal na nagpadala ako ng staff sa tanggapan ni Balilo. Sagot niya, sinuspindi na nila ang nasabing kawani’t hindi puwedeng pangalanan.

Kinabukasan, sa programa kong BITAG Live sa PTV 4, nakausap ko si Capt. Balilo kung indefinite suspension nga ang pinataw sa kawaning ayaw nilang pangalanan. Nangako itong ibibigay sa amin ang pangalan ng kawani.

Pebrero 12, pinangalangan na at lumabas sa press release ng PCG sa kanilang Facebook page at lumabas sa Philippine Star at Manila Bulletin online ang balitang sinibak na sa serbisyo ang nasabing kawani. 

Ang naging hakbang ng PCG ay kaduda-duda na para bagang may pinagtatakpan. Hindi sinabi na ang kanilang ginamit na ebidensiya sa pagsibak sa serbisyo ng kawani ay eksklusibong BITAG video. Huli na ng hinilot ng PCG ang kanilang pagkakamali. 

Mistake #1 ng pamunuan ng PCG, ang paggamit ng exclusive at copyrighted material. Ang video na ito ay pagmamay-ari ng BITAG Multimedia Network (BMN) na rehistrado sa Security Exchange Commission (SEC) sa ilalim ng BITAG Media Unlimited Inc (BMUI.)

Mistake #2 ng PCG, hindi binigyan ng due process ang akusado na iharap sa nag-aakusa  (BITAG.) The right of the accused to face and confront the accuser.

Katakut-takot na hambalos ang ginawa namin kay PCG Spokesperson Capt. Balilo maging kay Adm. Joel Garcia.

May mga insider kami sa PCG na nagsasabing ‘yung namik-ap na kawani ay maaring napag-utusan lang. May mga opisyales sa nasabing motel na nag-aantay sa mga dadalhing babae.

Hindi namin binabastardo ang buong PCG. Sinesentro namin ang pagtutuligsa sa protocol ng PCG ng paggamit ng copyrighted material ng BITAG.

Magsilbi sanang babala ang isyung ito sa iba pang tanggapan. Kung kayo ay makikipagsubukan sa BITAG, ganito ang inyong sasapitin.

Wala kaming masamang tinapay sa PCG at wala ring masamang magsabi ng totoo!

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with