Ang NVVS ng Customs sa mata ni Rep. Nograles

BINALAAN ni Puwersa ng Bayaning Atleta Party-list Rep. Jericho Nograles si Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na makakasuhan ng graft and corruption, at sa paglabag ng Code of Conduct of Government Employees dahil puede siyang managot kung patuloy na ipilit ang pagpapatupad ng Pambansang paghahalaga ng Bureau’s National Valuation Verification System o NVVS.

Ayon kay Nograles, itinuturing ilegal ng House Committee on Ways ang Means ang BoC’s NVVS.                                       

Dalawang beses pala sumulat last Disyembre 9 at 20, 2019 ang komite kay Commissioner Guerrero para payuhan ang huli na tigilan ang pagpapatupad ng NVVS pero inisnab lamang ng kanyang opisina ito.

Naku ha!

Bakit kaya?

“Ang sadyang kamangmangan at ini-action ay labag sa Code of Conduct of Government Employees at kailangan nang agarang imbestigasyon ng Civil Service Commission. Ang paggigiit kasi na pagpapatupad ng implementasyon ng NVVS ay maliwanag na graft and corruption.

Dapat paalalahanan ang mga opisyal ng bureau na mag-cease and desist sa pagpapatupad ng illegal NVVS kung ayaw nilang magka-problema. 

Ayon sa mga asset, puede silang i-contempt at kasuhan sa Office of the Ombudsman kung patuloy nilang binabalewala ng bureau ang Kongreso.

Ang Committee on Ways and Means, sa kanyang constitutional duty ay dapat ipatupad ang mga kapangyarihan sa oversight, dahil nagkaroon ng imbestigasyon na ang pagpapatupad ng NVVS ay ilegal porke ang batas na ito at hindi makikita sa Customs Modernization and Tariff Act.

Ang katibayan ay malinaw na nagpapakita na ang parehong mga kalakal ay sisingilin sa ibang paraan. Ang hindi pagkakapare-pareho lamang ang ibig sabihin na may katiwalian sa sistema ng NVVS.

Ikinuento ni Nograles,  sa kabila ng malinaw na deklarasyon ng House Committee on Way and Means ang NVVS ay walang lawful basis kaya ito ay ilegal, pero patuloy itong pinatutupad ni  Commissioner Guerrero sa pagaakalang ito ay ginagamit lamang bilang reference at hindi isang kapalit ng transaction values ng imported na mga kalakal.

“Ang memoranda ibinigay sa Customs workers ay pare-parehong mahigpit na pagpapatupad ng sistema ng NVVS. Bakit ito? Mukhang merong pinapaboran at pinoprotektahan. Pagkatapos ng Green Lanes ng nakaraang Commissioner, Ang panibagong diskarte ay ang NVVS.  Ito NVVS ay isang istilo para sa pangingikil para sa ilang corrupt Customs people, “ sabi ni Nograles.

Ayon sa mga sumbungero, ibubulgar ni Nograles ang istilo ng koropsyon sa bureau gamit ang NVVS sa gagawin pulong ng komite.

Abangan,

Show comments