^

Punto Mo

“Wag magpayaman,” ang payo ni Eleazar sa bagitong pulis!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

WAG magpayaman! Ito ang mahigpit na tagubilin ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy Chief for Operations (DCO) ng Philippine National Police (PNP) sa mga bagitong pulis. Sinabi ni Eleazar na ang dapat atupagin ng mga bagitong pulis ay ang kanilang sinumpaang tungkulin na maglingkod sa sambayan at hindi ang pagpayaman bilang “ninja cops” o pagkasangkot sa pangongotong at iba pang ilegal na pagkakitaan. May puntong mangaral sa bagitong pulis itong si Eleazar mga kosa dahil noong hepe pa siya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay kung anu-anong kaso na kinasangkutan ng mga pulis ang naranasan niya at madami naman ang naparusahan, kabilang na ang pag-dismiss sa serbisyo. Sa kanyang talumpati sa harap ng 300 na bagitong miyembro ng Special Action Force (SAF), ang fighting unit ng PNP, sa Pampanga kamakailan, iginiit ni Eleazar na pursigido si PNP chief Gen. Archie Gamboa na magpataw ng nararapat na kaparusahan sa nagkamaling pulis tungo sa reporma at manumbalik ang pagka-professional at integridad ng PNP. Ipinaliwanag ni Eleazar na hindi na dapat humanap pa ng ibang pagkakitaan ang mga bagitong pulis dahil sa suweldo nila na itinaas ni President Digong ay sapat na para buhayin ang kanilang pamilya. Kapag may hidden wealth ang bagitong pulis, hahabulin din naman sila ni Gamboa sa kasagsagan ng “internal cleansing” ng PNP kaya’t mapunta din sa wala ang lahat ng kinita nila sa ilegal, ani Eleazar. Ang masama pa niyan, baka sa kulungan pa sila dadamputin. Araguuyyy! Hak hak hak! Sana makinig ang mga bagitong pulis dito sa pangaral ni Eleazar. Get›s n›yo mga kosa? Hehehe! Weder-weder lang ‹yan!

Itong mga bagong SAF graduate, na miembro ng Sandinig Class of 2019-2, ay recruit pa ng panahon ni dating PNP chief retired Gen. Oscar Albayalde. Para makaiwas sa tukso ng pagkaperahan, hinimok ni Eleazar ang mga bagitong pulis na tingnan ang PNP logo at basahin ang motto na nakasulat sa kanilang uniporme na: «Service. Honor. Justice.» “If you honor your badge and uniform, you will stick to your oath of serving and protecting our people. If you honor the police organization, you will become a true instrument of delivering fair justice equally for the rich and the poor,” ayon pa kay Eleazar. “Honor the good reputation of your family. Honor your batchmates here who were there with you in times of pain and hardship during your training days. And lastly, honor your profession by caring for the integrity of the police organization,” ang dagdag pa n›ya. Hak hak hak! Di pa ba kayo nakahalata n›yan mga kosa?

Ginawa ni Eleazar ang pagpangaral sa mga bagitong pulis matapos pigilin ni Gamboa ang 16 bagong recruit na pulis sa pag-attend ng kanilang graduation bunga sa litrato sa social media na nagpapakitang nag-iinuman sila. Kasalukuyang iniimbestigahan ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas ang 16 pulis at mukhang malabo na silang masama sa roster ng PNP. Sinayang nila ang anim na buwan nilang paghihrap. Araguuyyy! Hindi maghihinayang si Gamboa na sibakin sila dahil sa sobrang dami ng aplikante sa pagka-pulis. Abangan!

ELEAZAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with