Ang interview
SA isang kilala at mahusay na business school, may nagaganap na interview sa mga prospective students na nagnanais mag-aral dito. Ang resulta ng interview ang magiging sukatan kung tatanggapin ang aplikante sa business school.
Interviewer: Pumili ka: 10 easy questions or one difficult.
Saglit na nag-isip ang aplikante. “Mas gusto kong sagutin ang isang mahirap na katanungan.
Interviewer: Alin ang mas nauuna, gabi o araw? Bibigyan kita ng 5 minuto para mag-isip.
Wala pang dalawang minuto ay agad sumagot ang aplikante.
Aplikante: Sir nauuna po ang araw.
Interviewer: Bakit?
Aplikante: Second question na iyan sir. Ang sinabi mo kanina ay isang question lang ang aking sasagutin. Wala kang sinabing second question or follow up question na kailangan kong sagutin.
Natanggap sa business school ang lalaki!
“Creativity is intelligence having fun!”—Albert Einstein
- Latest