Pangarap ni De Leon na maging PNP chief, goodbye na!

GOODBYE na lang sa pangarap ni Brig. Gen. Val de Leon na maging chief ng Philippine National Police (PNP) matapos siyang ma-relieve noong Miyerkules bilang hepe ng Central Visayas police. Nagulantang ang mga kosa ko sa Camp Crame matapos ianunsiyo ni PNP chief Gen. Archie Gamboa ang pag-relieve kay De Leon, na alam ko naman na protege siya ni Davao City Mayor Sara Duterte. Hindi umubra ang magic ni Mam Sara? Sa totoo lang, kinunsulta tiyak ni Gamboa ang lahat nang santo o anito bago sibakin si De Leon dahil alam niyang mabigat ang padrino nito. Kasama na siguro sa kinunsulta ang mga pulitiko na nakapaligid kay President Digong tulad ni Sen. Bong Go. Get’s n’yo mga kosa? Araguuyyy! Sa pagka-relieve ni De Leon, ipinakita ni Gamboa na may bayag siya at umani ito ng papuri sa mga kosa ko sa Camp Crame.

 Kaya dapat todo trabaho sa ngayon, hindi lang ang mga regional directors kundi maging ang mga district, provincial, at city directors, at station commanders dahil kapag hindi sila pumasa sa panlasa ni Gamboa, tiyak may kalalagyan sila. Araguuyyy! Hak hak hak! Tumapang si Gamboa matapos maging permanenteng PNP chief na siya, ‘di ba mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na may mula anim hanggang walong atraso na nailista si Gamboa laban kay De Leon at ang isa dito ay ang paglalaro ng golf ng kanyang tatlong opisyal sa oras ng trabaho. Kasama na rito ang madalasang makita siyang kasama ang mga gambling lords o alipores nila na kumakain sa mga hotel sa Cebu. Lilinawin ko mga kosa na hindi inaakusahan ni Gamboa si De Leon na «on the take» sa mga gambling lords subalit ang aksiyon niya ay hindi maganda sa paningin ng madlang people at makakasira ito sa imahe ng PNP. Tumpak! Ang pinakamatindi mga kosa ay palaging kulelat si De Leon sa rating system ng mga regional directors na ipinatutupad ni Gamboa nang maging OIC siya ng PNP noong nakaraang Oktubre. Sa 17 regional commands ng PNP, ang Police Regional Office 7 (PRO7) ni De Leon ang palaging kulelat at mukhang hindi siya gumagawa ng paraan na tumaas man lang ng bahagya ang rating. Araguuyyy! Ang matindi pa, imbes na sa proper forum si De Leon dumaan para isangguni ang sagot niya sa rating system ng PNP, aba sa media niya idinaan ang kanyang paliwanag. Ano ba ‘yan? Si De Leon, ay pinalitan ng mistah niya sa PMA Class ‘89 na si Brig. Gen. Albert Ferro na dumaan din sa delubyo subalit nakaahong bigla. Congrats Bert! hak hak! Si De Leon ay nalipat sa opisina ni Gamboa at maaring maging PNP chief pa kapag si Inday Sara na ang pumalit kay Digong bilang Presidente, di ba mga kosa?

Si De Leon ang pangatlong nasibak na opisyal ng gobyerno na sinamahan ni alyas Boratong. May malas talagang dala si Boratong dahil nasibak din sina Customs Commissioner Nicanor Faeldon at PCSO General Manager Alex Balutan na sinamahan din niya. Kaya sa mga government officials diyan, huwag kunin ang serbisyo ni Boratong dahil tiyak sa kangkungan ang bagsak n’yo. Sobrang malas talaga! Abangan!

Show comments