^

Punto Mo

Para masarap ang karne mga baka sa Belgium, pinaiinom ng beer

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

AYON sa isang cattle breeder sa Belgium, ang sikreto sa masarap na karne ng baka ay ang pagpapainom ng beer sa mga ito.

Naisipan ni Hugues Derzelle na painumin ng beer ang kanyang mga baka nang mabasa niyang ginagawa ito ng mga Japanese upang mapasarap ang karne.

Sinubukang painumin ni Derzelle ang dalawa sa kanyang mga alagang baka ng apat na litrong beer araw-araw.

Naniniwala siya na kaya niyang gayahin ang Kobe beef mula sa Japan na sikat dahil sa sarap at lambot nito.

Hindi naman nangangamba si Derzelle na malalasing ang kanyang mga baka sa dami ng pinaiinom niyang beer sa mga ito. Mayroon daw kasing bacteria sa lalamunan ang mga baka na pumipigil sa alcohol na humalo sa kanilang dugo.

Hindi lang si Derzelle ang may kakaibang paraan ng pagpapalaki sa mga alagang baka. Isang farm sa Australia ang nagpapaka­in naman ng tsokolate sa kanilang mga baka sa paniniwalang mapapasarap nito ang lasa ng karne.

BELGIUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with