Babala sa mga sobra-sobra kung uminom ng tea
KUNG sobrang hilig ninyo sa pag-inom ng tea o tsaa, medyo maghinay-hinay at baka matulad kayo sa isang 47-anyos na babae sa Detroit, Michigan na nagkaroon ng sakit na tinatawag na “skeletal flourosis”.
Ang sakit na ito ay ang pagkalagas ng mga ngipin. Humihina at nagiging breakable ang mga ngipin sa sobrang konsumo ng tea.
Bukod sa pagkalagas ng mga ngipin, apektado rin ang mga kasu-kasuan at pananakit ng buto. Nawawala umano ang mineral na fluoride sa katawan dahil sa sobrang intake ng tea.
Napakaraming uminom ng tea ng nasabing babae na umaabot sa isang pitsel sa isang araw. Ginawa niya ang pag-inom nang maraming tea sa loob ng 17 taon. Ang isang pitsel ay umaabot sa 100 tea bags kapag tinimpla.
Pero ang isang magandang balita, maaari pang gumaling ang “skeletal fluorosis” ng babae.
Kinakailangan lamang na itigil niya ang pag-inom ng tea para madaling gumaling ang sakit. Mas maganda kung sa halip na tea ay ibang beverages na lamang ang kanyang inumin.
- Latest