NANGGALING sa isang bakasyon si Aaron Dallas ng Colorado, USA. At pagbalik niya, meron na siyang bukol sa ulo.
Hindi niya alam kung paano siya nagkaroon ng bukol. Nalaman lamang niya na mayroon siyang bukol sa ulo nang mahipo iyon isang oras makaraang dumating.
At lalo siyang kinilabutan nang maramdamang may gumagalaw sa loob ng bukol. Inakala niya na may dugo na umaagos sa ilalim ng kanyang ulo.
Naririnig niya na may mga gumagapang sa loob ng bukol. Pakiramdam ni Dallas ay masisiraan siya ng bait.
At nang kumunsulta siya sa doktor, ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat sapagkat nadiskubre ang limang uod na gumagalaw sa loob ng bukol.
Agad isinagawa ang operasyon kay Dallas. Biniyak ang bukol at inalis ang mga uod.
Ayon sa doktor, mga lamok ang nagdala ng uod sa bukol ni Dallas. Ang mga uod ay tinatawag na Bot fly.
Nagkakaroon ng Bot fly infection ang mga naninirahan sa Central at South America.