Malasakit ipinakita ni Cayetano sa Taal volcano victims

NAGSAGAWA pala ng sesyon sa pangunguna ni House Speaker Alan Cayetano outside the Kongreso at hindi ito gimik tulad ng mga patutsada ng mga kritiko.

Bakit?

Gusto ni Cayetano, na ilapit ng husto at ipakita ng Kamara ang suporta nila sa Madlang Pinoy.

Ayos ito!

 Ibig mapakinggan ng personal ng mga mambubutas este mali mambabatas pala ang hinaing at kung anomang problema ng mga LGU’s na tinamaan ng delubyo the other week dahil sumabog ang Taal volcano na sumira sa mga ari-arian ng mga Batangueno.

Sa Batangas Convention Center ginawa ang madjong este mali sesyon pala para malaman ang mga problemang kinakaharap ng madlang people sa iba’t ibang bayan ng Batangas kabilang siempre ang mga LGU’s.

Ika nga, tulong na dapat ibigay!

‘History,’ ang ginawa at ipinakita sa madlang people ni Cayetano na sa labas ng kanyang kaharian este mali Kamara pala .

Ika nga, 1st in the making since 1987!

Sabi ni Cayetano, gustong malaman ng kanyang mga constituents kung anong klaseng mga tulong ang gagawin para sa mga biktima ng eruption ng Taal.

Ika nga, dapat nang ilatag para matulog este mali gawin ang isang malawakang rehabilitation plan para sa mga lugar at madlang people na affected ng pagsabog.

Alam naman ng madlang people at maging mga taga - gobierno na sa sahig natutulog ang mga biktima ng ‘eruption’ up to now ay hindi pa sila nakakabalik sa kanilang mga haybol dahil hindi na rin ito mapapakinabangan at ang mga kabuhayan nila ay isa pa sa pinakamalaking problema.

Sabi nga, wala silang pagkakakitaan ?

Dapat tulungan ni Cayetano ang mga taga - Batangas para sa short at long term plan sa rehabilitasyon upang maging normal ang kanilang pamumuhay na winasak ng Taal volcano.

Kailangan ang pangmatagalan solusyon sa problema kabilang ang maayos na rehabilitation plan

Sa parte naman ni Boss Digong nangangailangan ito ng P30 billion supplemental budget para itulong sa mga biktima ng ‘eruption.’

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

Show comments