^

Punto Mo

EDITORYAL – Maging alerto sa ‘mahiwagang sakit’

Pang-masa
EDITORYAL â Maging alerto sa âmahiwagang sakitâ

ISANG “misteryosong sakit” na nagmula umano sa China ang mahigpit na binabantayan ngayon. Ayon sa report, mabilis makahawa ang sakit na halos katulad umano ng severe acute respiratory syndrome (SARS) na nanalasa sa China noong 2002-2003 na dahilan ng kamatayan ng daang katao sa China at Hong Kong.

Unang nakita ang “misteryosong sakit” noong Dis­yembre 24 sa Wuhan, China. Ayon sa report, mabilis ang pagdami ng nagkasakit kaya naalerto ang mga awtoridad at lahat nang mga galing sa Wuhan ay idinaan sa masusing checkup. Umabot na umano sa 44 ang naitalang maysakit. Lahat nang mga Chinese na nagtutungo sa Hong Kong ay idinadaan sa checkup at ang makikitaan ng sintomas ay ikina-quarantine para hindi kumalat ang sakit.

Lubhang nakakatakot ang sakit na ito kaya hindi dapat ipagwalambahala. Ngayong dagsa ang mga Chinese sa bansa, maaaring may makalusot at maikalat ang sakit. Mayroon lamang isang Chinese na maysakit at makalusot, narito na ang virus sa bansa. Hindi dapat mangyari ito.

Paigtingin ang pag-screen sa mga darating na pasahero lalo na ang mga nanggaling sa China at Hong Kong. Masusing tingnan kung may mga pasaherong nagtataglay ng sakit at agad na ilagay sa quarantine para hindi na makahawa.

Ang walang tigil na pagtatrabaho ng Department of Health (DOH) sa pagkakataong ito ang nararapat na maipakita. Hindi dapat makalusot ang mga maysakit sa NAIA pa lang. Kadalasang nangyayari na ang pagkalat ng sakit ay dahil hindi na-monitor sa airport.

Ngayong kung anu-anong sakit na ang nakapasok sa bansa na pinaka-latest ang African Swine Fever (ASF), dapat maging alerto at magbantay ang lahat. Ang ASF na kasalukuyan pang nasa bansa ay naipasok dahil umano sa mga pagkaing pork na dala ng mga dayuhan. Ang mga tirang pagkain ay ipinakain sa mga baboy na inaalagaan sa likod bahay.

Doblehin ang pagbabantay upang hindi makapasok ang “misteryosong sakit”. Nararapat namang panatilihin naman ng mamamayan ang kalinisan sa katawan para makaiwas sa sakit.

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with