GAGANAPIN na ang traslacion ng Black Nazarene bukas at sinisiguro ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas ang seguridad ng okasyon. May 13,527 kapulisan na i-deploy para maging mapayapa ang okasyon, hindi pa kasama d’yan ang augmentation forces ng military, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang sangay ng gobyerno.
May mga ilang pamamaraan na binago itong si Sinas at ang pamunuan ng Quiapo Church para maging anim na oras lamang ang biyahe ng Black Nazarene mula sa Luneta Granstand papunta sa simbahan. Dati-rati kasi umaabot sa sampung oras o lampas pa ang procession kung saan madami ang hinimatay sa gutom, nasugatan at may namatay pa, di ba mga kosa? Kaya sa ngayon, siniguro ni Sinas na guwardiyado at hindi makalusot ang mga deboto sa hanay ng mga pulis para maiwasan ang stampede kung saan marami ang nasasaktan.
Get’s n’yo mga kosa? Kaya ang panawagan ng ating kapulisan at opisyal ng Simbahan, na ang mga may sakit at ‘wag na sumali sa prusisyon dahil sakit sa katawan lang ang kanilang aabutin. Siyempre, ‘wag na ding magdala ng mga bata, dahil mapahamak lang sila o di kaya’y mawala sa sobrang dami ng tao sa okasyon.
Bawal din ang mga pointed na bagay, baril at lalo na ang magpaputok ng rebentador o bawal na firecrackers. Ang panawagan din ni Sinas na ‘wag na magdala ng celfone dahil hindi din ito magamit para tumawag at mag-text dahil walang signal sa dadaanan ng Black Nazarene at kapag minalas ka ay manakaw pa. Araguuyyy! Hak hak hak! O hayan, dapat sundin ng mga deboto ang mga panawagan ni Sinas para malayo sila sa kapahamakan, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Masusubukan din ang tinatawag ni Sinas na “Andas Wall” sa okasyon bukas. Sa naturang programa, ang beam ng Ayala Bridge ay babalutan ng barbed wire mula sa walong talampakan para hindi makaakyat ang mga deboto para makalapit at humipo sa Black Nazarene. Hindi lang ‘yan! Ang bagong security design pa ni Sinas ay ang mga pulis ang nasa unahan ng Black Nazarene at maging sa hulihan nito para walang istorbo sa prusisyon.
Get’s n’yo mga kosa? At may dalawang hilira ring mga pulis ang naka-deploy sa dadaanan ng Black Nazarene kaya’t parang next to impossible na magkagulo sa oras ng prusisyon. Hak hak hak! Sori na lang sa mga holdaper, salisi, at pickpockets at baka matiyempuhan sila ng mga pulis at tiyak bagsak sila sa kulungan dahil may nailaan si Sinas na karsel para sa kanila. Araguuyyy! Beehhhh buti nga!
Kaya’t nanawagan si Brig. Gen. Bernabe Balba, ang director ng Manila Police District (MPD) sa mga deboto ng Black Nazarene na makipagtulungan sila sa “Andas Wall” ni Sinas para maiwasan ang stampede at mailayo sila sa kapahamakan. Hak hak hak! Sobrang gimik na ‘to ah! Abangan!