^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailan magdiriwang na walang masusugatan?

Pang-masa
EDITORYAL - Kailan magdiriwang na walang masusugatan?

BAWAL ang paggawa at pagbebenta ng mga malalakas na paputok subalit hindi ito nasunod. Maraming lumabag. Maraming nagpaputok. Hindi naman naipatupad nang husto ng Philippine National Police (PNP) ang pagsamsam sa mga malalakas at mapanganib na paputok sapagkat maraming nakalusot. At ang resulta, marami na namang naputulan ng daliri at nasabugan ng pulbura sa mata noong bisperas ng Bagong Taon.

Ayon sa PNP, umabot sa 340 ang mga biktima nang malalakas na paputok at ganundin sa mga tinamaan ng ligaw na bala na pinaputok naman ng pulis, sundalo at security guard.  Ganunman, mababa raw ang mga naputukan ngayon kumpara noong 2018 na umabot sa 700. Wala rin umanong namatay dahil sa indiscriminate firing.

Ang nakapagtataka lamang ay kung paano na-kabili nang maraming paputok ang mamamayan gayung ipinagbabawal ito sa ilalim ng Executive Order No. 28 na nilagdaan ni President Duterte noong Disyembre 2017. Hindi naipatupad nang mahigpit ang kampanya o ni-recycle ang mga nakukumpiskang paputok? Ayon sa PNP marami raw silang nasamsam na illegal na paputok sa Bocaue, Bulacan. Saan ito napunta?

Isa naman sa tinitingnang dahilan kaya marami pa rin ang nakapagpaputok at nasugatan ay dahil maaari nang bumili ng paputok on line at sabi ng PNP hindi naman daw ito bawal basta susunod sa Republic Act No. 7183 o ang fireworks law.

Kung puwedeng bumili online ng mga paputok, hindi na maiiwasan na maraming madisgrasya. Patuloy na may mapuputulan ng daliri, braso at mabubulag dahil sa paputok. Hindi matutupad ang nais ng pamahalaan na “zero casualty” kapag sasapit ang Bagong Taon sapagkat maraming paraan kung paano makakabili nang malalakas na paputok.

Ang pinakamainam na solusyon ay manggaga-ling kay President Duterte --- ipagbawal niya nang lubusan ang mga paputok. Wala nang iba pa para makamit ang “zero casualty’’. Nagawa na niya sa Davao City ang total ban sa paputok at maaari rin niyang magawa sa buong bansa. Ipag-utos niya ang total ban sa paputok.

MASUSUGATAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with