^

Punto Mo

Ang engineer

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NASIRA ang makina sa isang pabrika kaya napatigil ang lahat ng trabaho. Isang milyong piso ang mawawala per day kung hindi agad maaayos ang problema ng nasirang makina.

Bago pa man matapos ang araw na iyon,  dali-daling nagpahanap ng mahusay na mechanical engineer ang manager. Bago sumapit ang gabi, nakahanap ng magaling na engineer at naayos ang makina sa loob lang 20 minuto.

Kinabukasan ay natanggap ng manager ang bill ng mechanical engineer na nagsasaad na ang serbisyo niya ay nagkakahalaga ng P10,000. Kinausap ng manager ang Head ng Production at tinanong kung paano tinarbaho ng engineer ang makina.

“Sir, gumamit lang siya ng screwdriver para tanggalin ang isang turnilyo. May ipinalit siyang bagong turnilyo dahil makalawang na daw ‘yung dati. Tapos hayun, umandar na ang makina.”

“Ganoon lang? Isang turnilyo lang, pero sinisingil tayo ng P10,000. Sobra namang makasingil ang engineer na iyon.”

Tinawagan sa telepono ng manager ang mismong mechanical engineer.

“Engineer, parang sobrang mahal naman ng serbisyo mo. Kinali-kalikot mo lang ng 20 minuto ang makina at pinalitan mo lang ng isang turnilyo pero ang siningil mo sa amin ay P10,000 agad?”

“Sir, mawalang galang na po sa inyo. Fair lang ang singil ko sa inyo. At huwag ho ninyong “lang-langin” ang pagkalikot ko sa makina. It took me 5 years in college para matutuhan ko ang mga iyon.

Ang charge ko sa turnilyo ay P10 pero ‘yung ‘expertise’ ko para matukoy agad kung anong turnilyo ang dapat kong tanggalin at palitan ng bago para mapaandar muli ang makina ang may charge na P9,990. Buti nga nakita ko kaagad ang sira, kung hindi milyon-milyong piso ang malulugi sa inyo kung tatagal pa ang sira ng ilang araw.”

• • • • • •

Isang mainit na pagbati sa suki ng Diklap, Mr. Wilson Tan Ng ng Po Chuan Tin Bakery sa Binondo Manila.

ENGINEER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with