Usec. Kyu, terror ng STL!

HABANG papalapit ang New Year, kumukutitap naman ang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa sindikato na nakinabang sa operation ng Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Kaya pala marami sa authorized agents ng PCSO ang hindi nagbabayad sa kanilang Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR), eh may nakikinabang na opisyal ng Palasyo sa ilegal na operation nila. Siyempre, hindi naman maglalakas loob si Undersecretary ng Palasyo, na nag-uumpisa ang apelyido sa Kyu, kung wala siyang sinasandalan, ‘di ba Executive Sec. Salvador Medialdea Sir? Imbes kasi na magbayad sa PCSO, aba kay Usec. Kyu naglalagay ng tong ang mga erring STL operators at presto...aabot halos ng P8 bilyon ang nalugi sa ahensiya ng gobyerno. Araguuyyyy! Paano na lang ang kahihinatnan ng Universal Health Care project ni Pres. Digong kung patuloy ang pagkalong ni Usec. Kyu sa mga erring STL operators? Kung sabagay, malapit nang mahubaran itong magkakutsabang Usec. Kyu at opisyales ng PCSO dahil ayon kay PACC Commissioner Manny Luna, bilang na ang oras nila. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Wala talagang baho na ‘di nangangamoy no Usec. Kyu Sir?

Sinabi naman ni PCSO Gen. Man. Royina Garma na bukas o makipag-cooperate sila sa PACC investigation dahil transparent naman ang pamumuno niya. Iginiit ni Garma na ang PACC at PCSO ay mahigpit na tumataguyod sa kautusan ni President Digong na ang pondo ng ahensiya, na nakolekta sa mga palaro nila, ay nararapat lamang na mapunta sa mga beneficiary nila. Kung may opisyal man sa labas ng PCSO na nakinabang sa ilegal na operation ng STL sa pamamagitan ng non-remittance o iba pang irregularities, aba dapat lang silang maparusahan ayon sa batas, ani Garma. Araguuyyyy! Sa totoo lang, walang kaba si Garma rito sa PACC investigation dahil siya nga mismo ang may pasimuno nito. Matatandaan na ipinasara ni President Digong ang operation ng palaro ng PCSO dahil sa talamak na corruption dito na natuklasan ni Garma. Kaya inutusan ni Digong ang PACC na magsagawa ng malaliman na imbestigasyon at itong tinuran ni Luna ang inisyal na natuklasan. Kaya sa tingin ng mga kosa ko, hindi makakatulog ang dating namumuno sa PCSO dahil sa findings na ito ng PACC dahil tiyak sa kulungan ang bagsak nila, di ba mga kosa? Hak hak hak! Beehhh buti nga!

Ayon naman sa kosa ko, na kamukha ni Mr. Prexy, protector ng STL itong si Usec. Kyu at sa Visayas at Mindanao ang malakihang operation niya. Idagdag ko pa ang Northern Luzon at Calabarzon mga kosa kaya’t halos kapiranggot na lang ang napupuntang kubransa sa PCSO. Tsk! Tsk! Tsk! Dapat maligwak na si Usec. Kyu na hindi man lang natakot sa anti-corruption drive ni Digong, di ba Sec. Medialdea Sir? Hak hak hak! Bilang na ang araw ni USEC Kyu.

Habang nag-aabang ang madlang people sa resulta ng PACC probe, namahagi naman ng groceries at laruan si Garma, sa mga apektado ng lindol sa Davao de Sur at cancer patients sa Southern Philippines Medical Center (SPMC). Nais ni Garma na ipadama sa mga biktima na lindol at cancer patients na hindi sila nag-iisa at ang PCSO ay handang-handa na tumulong sa kanila. Abangan!

Show comments