^

Punto Mo

Manugang

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG ina ang masama ang loob dahil ang isa niyang anak na babae ay hindi naka-attend sa kanyang birthday party. Kinabukasan ay tinawagan ng ina ang kanyang anak at itinanong kung bakit hindi nakarating ang mga ito sa party. Nagsumbong ang anak na nag-away daw silang mag-asawa. Uminit ang ulo ng lalaki at nagmatigas na wala na siyang ganang magmaneho patungo sa venue ng birthday party.

Napapansin ng ina na basta’t tungkol sa pagdalaw sa kanya o anumang may kinalaman sa pagkikita nila ng kanyang anak, hindi nauubusan ng dahilan ang kanyang manugang para hindi sila magkitang mag-ina. May maganda namang sasakyan ang kanyang manugang, parehong nasa Metro Manila ang kanilang mga bahay pero ano ba’t bigat na bigat ang katawan ng manugang na samahan ang kanyang asawa na makadalaw sa ina. Ang babae ay ayaw pag-araling magmaneho. Kesyo baka lang daw ibangga ang kanyang sasakyan. Kapag naman nagpumilit ang babae na mag-commute at lumakad mag-isa para madalaw ang ina, ayaw namang pumayag ng mister niya. Talagang kontrolado niya ang kanyang misis. Baka isipin ninyo na nanghihingi ng pera ang ina sa kanyang anak kaya umiiwas ang manugang. Hindi po dahil mapera rin ang ina. Hindi makadalaw ang ina sa anak dahil wala na itong lakas para magbiyahe. Matanda na ito at sakitin.

Kalat na kalat na sa buong angkan ng babae ang masamang ugali ng kanyang mister. Ang sabi ng mga kamag-anak, wala raw utang na loob ang manugang. Ang ina ang nagtiyagang mag-alaga at magpalaki sa mga apo upang maipagpatuloy ng kanyang anak at manugang ang kanilang mga career pero ang pagdalaw, kahit once a month lang sa inang matanda na ay hindi pa nila maibigay. Ang teorya ko lang ay ito: Seloso ang lalaki. Baka pati ang pagdalaw ng kanyang misis sa ina nito ay pinagseselosan. Puwede…alam n’yo naman ‘yang selos, nakakasira ng ulo.

Hindi pala sapat na maging masunurin kang anak, na tatapusin muna ang pag-aaral bago mag-asawa o tutulong muna sa magulang bago mag-asawa. May isa pa palang dapat gawin ang isang mabuting anak – ang hanaping mapapangasawa ay  ‘yung mabait, hindi lang sa iyo, kundi marunong din makisama sa pamilya mo.

MANUGANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with