^

Punto Mo

EDITORYAL - Suportahan ang mga atletang Pinoy

Pang-masa
EDITORYAL - Suportahan ang mga atletang Pinoy

NGAYON magbubukas ang 30th Southeast Asian Games. Simula na ng pakikipagtagisan ng lakas ng mga atletang Pinoy. Magpapakita na sila ng angking husay sa iba’t ibang larangan. Ibubuhos na lahat para makakuha ng inaasam na medalya. Hihigitan ang nakamit na ginto sa nakaraang Asian Games. Ang panalo nila ay panalo ng bansa. Ang kanilang tagumpay ay tagumpay ng bawat Pilipino.

At magkakaroon lamang sila ng lakas at tibay ng loob sa pakikipagkumpitensiya  kung lubos silang susuportahan ng mga kababayan. Walang ibang mag-aangat sa kanila kundi ang mga kababayan. Lubos silang maniniwala sa kakayahan kung ibubuhos ng sambayanan ang pagkilala sa kanilang kakayahan. Mahalaga na ipagsigawan ang walang hanggang suporta sa kanila. Makakaya nila kahit gaano pa kahirap ang pakikipagtagisan.

Itigil na muna ang pagsisisihan o pagtuturuan at sa halip magtulung-tulong para ganap na maisaayos ang lahat ng gusot. Saka na lamang magkaroon ng imbestigasyon sa sinasabing mga pagkukulang, kawalan ng koordinasyon, kulang sa pagkain, at ang sinasabing katiwalian. Maari naman itong gawin pagkaraan ng event. Saka na lamang ito pagtuunan ng pansin.

Ang mahalaga ngayon ay ang pagkakaisa. Sinasabing ang pagkakaisa sa panahon nang pakiki-pagkumpetensiya ay mahalagang sangkap para sa ikapagtatagumpay ng ninuman. Marami na ang nagtagumpay dahil sa pagsasama-sama at pagtutulungan.

Ibigay ang todong suporta sa mga atletang Pinoy. Idalangin ang kanilang matamis na pagtatagumpay nila. Ang panalo nila ay panalo ng bawat Pilipino.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with