PCSO, may P1-B pondo sa mga maysakit na Pinoy!
AABOT sa halos P1 bilyong sweepstakes winning prizes na hindi na-claim ay forfeited na kaya kinumpiska ito ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at inilagak sa kanilang Individual Medical Assistance Program (IMAP). Nadoble ang pondo ng IMAP para sa Nobyembre at Disyembre kayat sinisiguro ni PCSO Gen. Man. Royina Garma na marami silang matutulungan na maysakit at mahihirap na Pinoy. Sa kanyang pakikipagharap sa media kamakailan, iginiit ni Garma na ang IMAP ay flagship program ng PCSO at kasama rito ang financial assistance para sa hospital bills, chemotherapy, radiation at dialysis.
Siyempre, kasama rin dito ang iba pang medical services para sa mga mahihirap na pasyente. Sa hirap ng buhay ngayon, maraming Pinoy ang matutulungan sa pagdoble ng pondo ng IMAP kaya natutuwa si Garma at hindi nangingiming magbigay ng financial assistance para humaba pa ang buhay ng mga maysakit na Pinoy. Tumpak! Hak hak hak! Kaya ang panawagan ni Garma sa mga Pinoy ay tangkilikin lalo ang mga palaro ng PCSO para mas marami pang maysakit ang matutulungan ng gobyerno ni Digong. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sinabi ni Garma na karamihan sa mga unclaimed winning tickets ay sa traditional sweepstakes na lotto, Keno, at 6-digits. Kasama sa hindi na-claim na winning tickets ay mga major prizes, consolation prizes at mga tinatawag na “balik-taya.” Umabot na halos P1 bilyon ito kaya ang tulong na ipamamahagi nila sa mahihirap sa Nobyembre at Disyembre ay madodoble, ayon kay Garma. Wow!
Ang mga Scratch-It tickets ay hindi kasama rito. Idinagdag pa niya na ang winnings tickets ay automatic na mapupunta sa pondo ng IMAP matapos ang isang taon na hindi ma-claim ito. Araguuyyy! Sinabi ni Garma na mayroong mananaya na hindi na tsini-tsek kung nanalo sila o hindi dahil ang nasa isipan nila ay ang makatulong sa mahihirap na Pinoy. “Most of our bettors buy lotto tickets because they just want to help.
It is because they know that PCSO’s charity program help a lot of our poor kababayans who do not have money to buy medicines or get confined in hospitals,” dagdag pa ni Garma. Hak hak hak! Nasa tamang landas si President Digong sa paghirang kay Garma sa PCSO, di ba mga kosa?
Idinagdag pa ng PCSO general manager na 85 porsiyentong kita ng opisina ay napupunta sa charity at kasama sa mandatos nila ang tumulong sa mga mahihirap na maysakit at walang pambayad sa ospital. Kaya kung may sobra kayo sa budget n’yo para sa pamilya mga kosa, aba’y bumili na kayo ng tiket ng PCSO para makakatulong din kayo sa ating kababayan.
”Your generosity helps our countrymen in need. When you buy a ticket, it is not gambling, it is charity with a chance to become a millionaire,” ang panawagan ni Garma. Hak hak hak! Maraming mahihirap ang matutuwa sa programa ng PCSO sa liderato ni Garma, na walang sawang tumutulong sa mahihirap! Abangan!
- Latest