^

Punto Mo

Problemang pampamilya, BITAG nilapitan? Paki n’yo!

BITAG KILOS PRONTO - Ben Tulfo - Pang-masa

SADYANG mapusok at risk taker ang mga kabataan sa panahon ngayon. Kapag sinabayan pa ng pabaya at maling pagpapalaki ng magulang, problema ang siguradong dulot nito sa tahanan. Isa ito sa mga responsibilidad na ipinagkaloob ng Maykapal sa aming magkakapatid sa prebilehiyong makatulong sa kapwa. Maging tagapag-ugnay ng mga hindi nagkakaunawaan, magkakapamilya man o hindi.

Simpleng panawagan lamang ang ginawa ng isang ama sa kanyang naglayas na 16-anyos na babaing anak. Sa aming programang Aksiyon Ora Mismo, nakiusap itong umuwi na’t mag-usap nang mahinahon bilang mag-ama.

Oktubre 25 pa hindi umuuwi ang dalagita sa kanilang bahay. Sa pakikibalita ng ama, palipat-lipat daw ito sa kanyang mga barkada at doon pansamantalang nakikitira. Sa tingin ko bilang isang ama rin, may problemang namuo sa loob ng kanilang pamamahay na hindi agad nabigyan ng atensiyon ng pinuno ng tahanan. Ito kasing si Ineng, mas kampante at masaya kasama ang mga barkada, nasarapan sa buhay kasama ang mga barkada at hindi na ginustong umuwi sa mga magulang.

Nakakalungkot ang ganitong mga kuwento. Hindi ko naman magawang sisihin ang ama at blanko rin siya sa ideya kung bakit hindi na umuwi ang anak.

Ipinanawagan ito ng BITAG, we used the power of digital media para masigurong buong bansa ay makakaabot ang panawagan ng tatay. Napanood ito sa YouTube ng ina ng nobyo ng dalagita. Kinabukasan ay dinala agad ang dalagita sa Bgy. Sta Rosa Laguna. Itinurn over naman ng barangay sa pulis at sa huli ay sa DSWD Alaminos, Laguna upang doon sunduin ng ama ang bata.

Hindi na kami nakialam at nakiusyoso pa. Tama na sa BITAG na sa pamamagitan ng aming programa ay natugunan ang panawagan ng isang ama, nakauwi na rin ang kanyang anak.

Eto ang hubo’t hubad na katotohanan, mga totoong istorya na sa mismong pinakamaliit na sangay ng lipunan –ang pamilya ay nangangailangan din panghihimasok ng mga hindi miyembro nito.

Kung kami man ang una nilang tinatakbuhan para makatulong – paki n’yo!

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with