Ang hinagpis ng PMA Class ‘90 sa PNP!
May kumakalat na white paper sa Camp Crame na ang sentro ng reklamo ay si Brig. Gen. Rafael Santiago, ang hepe ng PRO 10, at dapat na i-address ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa. Imbes kasi na ma-unite ang hanay ng PNP dahil sa maagang pagreretiro ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde, mukhang lalong nagkawatak-watak pa ito.
Araguuyyy! Si Santiago kasi mga kosa ay kinasuhan ni Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr., ng malversation (PNP items at equipment) at ang kaparusahan na ipinataw sa kanya noong 2018 ay dismissal from the police service. Subalit nag-file ng motion for reconsideration si Santiago kaya naging 6 months suspension na lang ang ipinataw sa kanya noong Abril 2019.
E halos isang buwan pa lang na naibababa ang suspension niya, aba itinalaga siyang hepe ng PRO 10 kahit pi-nirmahan ni Executive Sec. Salvador Medialdea ang kanyang status of conviction.
Iginiit ng mga concerned police officials na kahit ibinaba ang punishment sa suspension, ibig sabihin kumbinsido ang Palasyo na may infraction talaga si Santiago.
Araguuyyy! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kung si Albayalde ay nasibak sa kasong anim na taon na ang nakararaan, bakit si Santiago na halos kailan lang ay nakalimutan na ang malversation case n’ya? Si Santiago ay miyembro ng ruling PMA Class ‘86 at classmate niya sina Albayalde at Gamboa. Nagtatakipan ang Class ‘86 mga kosa? Itinatago rin nitong si DPRM chief Maj. Gen. Lyndon Cubos ang kaso ni Santiago na classmate din niya.
Hehehe! Mukhang sila-sila na lang sa Class ‘86 sa magagandang puwesto sa PNP.
Binanggit din sa white paper ang kaso ni Brig. Gen. Samuel Rodriguez na may kaso sa Finance.
Matapos niyang mai-serve ang kanyang suspension, pinangakuan siya ng sindikato...este Oversight Committee ng TO position. Kaya matapos niyang mai-serve ang suspension, kahit hindi dumaan sa re-entry position, naging DRDO siya ng PRO 8 at acting director ng ITMS at nag-heneral na.
Araguuyyy! Hak hak hak! Magaling talaga magtakip ang Class ‘86 ano mga kosa?
Kung sabagay, hindi lang si dating DEG chief Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro ang naghihinagpis sa reshuffle ni Gamboa kundi maging ang Class ‘90, dahil may miyembro sila ng klase na si Brig. Ely Cruz na hepe ng HPG at sa kasamaang palad ay naging deputy ng CIDG. Si Brig. Gen. Rolando Anduyan, naman na hero ng Marawi siege at handler ni Bikoy, ay napako sa NPD.
Kapag inurirat nila ang liderato ng PNP na maging RD na sila, ang palaging katwiran ay hindi pa sila puwede dahil Class ‘89 pa lang ang nakatoka. Subalit sina Brig. Gen’s. Filmore Escobal at Vic Danao ay na-assign sa PRO11 at PRO4-A, na matatawag kong mga «juicy» positions.
E kapwa miyembro ng Class ‘91 sina Escobal at Danao, na mga Davao Boys at nilaktawan nila ang Class ‘90.
Araguuyyy! Saan ang hustisya? Hak hak hak! Sina Gamboa at PNP DCO chief Lt. Gen. Picoy Cascolan ay miyembro ng Class ‘86 kaya mukhang hahaba pa ang hinagpis, hindi lang ng Class ‘90, kundi maging ang iba pang aspiradong mapuwesto sa PNP. Tumpak! Ang panawagan sa white paper ay dapat ayusin ang assignment at re-assignment at walang takipan ng classmate. Pag mali, dapat mali! Get’s n’yo nga kosa? Abangan!
- Latest