ISANG team ng scientists sa Michigan ang sinasabing nakapagtala ng bagong world record matapos nilang likhain ang pinakamalaking periodic table of the elements sa buong mundo.
Ayon sa mga siyentista na lumahok sa proyekto, layunin daw nilang maengganyo ang mga kabataan na kumuha ng mga kursong nauukol sa STEM (science & technology, engineering, and mathematics) kaya nila ginawa ang dambuhalang periodic table na may sukat na higit sa 100 metro ang haba at 50 metro ang lapad.
Sa laki ng periodic table ay aabot sa 18 feet by 14 feet ang espasyo sa bawat elemento, dagdag pa ng grupo ng mga scientist.
Sa pamamagitan ng proyekto, umaasa ang mga scientist na marami sa bagong henerasyon ngayon ang susunod sa kanilang yapak at mag-aambag ng bagong karunungan na magpapaunlad sa ating lipunan.