^

Punto Mo

EDITORYAL - Mapanganib ang polio, pabakunahan ang mga bata

Pang-masa
EDITORYAL - Mapanganib ang polio, pabakunahan ang mga bata

Nagsimula na noong Lunes ang pagbabakuna sa mga bata laban sa polio. Mula Oktubre 14-17, isasagawa ang pagbabakuna sa National Capital Region, Lanao del Sur, Marawi City, Davao City at Davao del Sur. At sa Nobyembre 25-Disyembre 7 sa buong Mindanao at National Capital Region. Sa Enero 6-18, 2020, magbabakuna sa buong Mindanao.

Mapanganib ang polio kaya nananawagan ang Department of Health (DOH) sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na wala pang limang taong gulang, nabakunahan man ito o hindi pa. Libre ang bakuna.

Ang polio virus ay makikita sa mga imburnal, poso negro o sewage. Nadiskubre ito nang magsagawa ng testing sa Manila sewage ang Department of Health (DOH) noong Agosto. Sabi ni DOH Secretary Francisco Duque III, dapat maprotektahan ang mga bata sa virus. Kapag nabakunahan ang mga bata, 95 percent na silang ligtas sa polio. Wala umanong gamot sa polio kundi ang kumpletong bakuna.

Idineklara na ang Pilipinas na polio free mula noong 2000 subalit bumabalik ang virus dahil sa maruming kapaligiran. Marami pa rin ang walang sariling kubeta at kung saan-saan lamang dumudumi. Kaya ang panawagan ng DOH sa mamamayan, maging malinis o ugaliin ang paglilinis sa bahay at kapaligiran para hindi mabuhay ang virus. Kailangang mapanatili ang proper sanitation. Magkaroon ng sariling kubeta.

Maraming magulang ang nagkaroon ng takot sa bakuna mula nang maging kontrobersiya ang Dengvaxia vaccine laban sa dengue. May mga batang binakunahan ng Dengvaxia ang umano’y namatay dahil sa kumplikasyon. Ito ang itinuturong dahilan kaya hindi pinababakunahan ang mga anak. Maski ang bakuna laban sa tigdas, kinatakutan din kaya nagkaroon din ng outbreak noong nakaraang taon.

Ngayong may outbreak ng polio, huwag isapalaran ang kalusugan ng mga anak. Pabakunahan na sila sa health centers. Mapanganib ang polio. Habambuhay na tataglayin ng mga bata ang bangis ng polio kapag hindi pinabakunahan. Nasa huli lagi ang pagsisisi.

POLIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with