MARAMI ang nagtaas ng kilay sa Camp Crame kung bakit nilaglag ni PDEA director Aaron Aquino si PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa kaso ng shabu recycling sa Pampanga. Kung gaano kasi katagal sina Aquino at Albayalde sa puwesto nila, walang matandaan ang mga kosa ko na nag-away silang dalawa at maganda ang coordination nila sa war on drugs ni President Digong. Kaya nagulat ang mga kosa ko sa Camp Crame nang ipagkanulo ni Aquino si Albayalde sa Senado sa kasong pati siya ay dapat may pananagutan.
Sinabi ni Aquino na tumawag sa kanya si Albayalde para hilingin na huwag i-implement ang dismissal order sa 13 tauhan niya sa kasong pag-recycle ng droga. Sa totoo lang, inupuan naman ni Aquino ang dismissal order sa kaso ng 13 ninja cops, subalit ang sisi lang sa ngayon ay kay Albayalde. Araguuyyy!
Ano ang motibo ni Aquino na gibain ang pagkatao ni Albayalde? May kinalaman kaya ito sa kaso ng shabu sa warehouse sa Malabon na pilit i-link ni Aquino sa shabu haul sa Cavite? Kaibigan kasi ni Sen. Ping Lacson ang nanalo sa bidding sa Customs sa narekober na shabu sa Malabon at alam niya na hokus pokus lang ang accomplishment ng PDEA, pati sa Cavite. At balak ni Lacson mag-privilege sa Senado subalit naudlot dahil sa pakiusap ni Aquino, ayon sa mga kosa ko! Araguuyyy! Hak hak hak! Nagbayad ng utang si Aquino?
Imbes kasi na pag-usapan ang problema dahil kapwa naman sila sa gobyerno ni Digong, minabuti pa ni Aquino na idaan ito sa Senate hearing na hindi lang si Albayalde ang nagiba kundi maging ang imahe ng PNP na nilisan niya at kung saan tumatanggap pa siya ng pension.
Kaya nang inutusan ni Baguio Mayor Benjie Magalong, na protege ni Lacson, si Aquino sa Senado na ibulgar na ang pinag-usapan nila tumalima kaagad at ipinahamak si Albayalde. Kung sabagay, alam naman ng mga kosa ko na kahit retirado na sila, sinusunod talaga ng mga PMAers ang seniors nila. Si Aquino, ng PMA Class ‘85 ay kaklase ni ret. Brig. Gen. Ramon Apolinario na naungusan ni Albayalde bilang PNP chief kapalit ni Sen. Bato dela Rosa.
Noong namimili si Digong, malakas ang ugong na si Apolinario na ang PNP chief at nag-submit pa ito ng line-up ng kanyang opisyales na uupo sa mga puwesto sa PNP sa Palasyo. Subalit si Albayalde ang napili ni Digong kaya may galit kaya si Aquino at kaklase niya kay Albayalde? Araguuyyy! Hak hak hak! Sobra naman ang spin nitong sina Magalong at Aquino na may death threat sila. Ibig sabihin ba sa mahigit 30 years nilang panunungkulan sa PNP, wala silang death threat? Ano ‘yon, di sila kasali?
Sa tingin ng mga kosa ko sa Camp Crame, kahit lisanin man ni Albayalde ang puwesto niya, hindi na magiging maganda ang relasyon ng PDEA at PNP habang nasa puwesto pa si Aquino. Kahit sinong uupo na PNP chief, hindi na magtitiwala kay Aquino dahil may pailalim na lakad ito. Araguuyyy! Kaya ang magsa-suffer nito ay ang drug war ni Digong na tiyak magiging malaking isyu sa 2022 elections. Sa pag-non duty status (NDS) ni Albayalde, nanalo sa Round 1 ng laban sina Magalong at Aquino. Masaya na kaya si Aquino? Abangan!