May naghahanda na para sa 2022 elections!

HALATADO na ang 2022 elections ang target ng Senate hearing sa recycling ng shabu ng ninja cops. Lalong lumakas ang ebidensiya nang maglutangan ang mga “dilawan” generals sa Senate hearing noong Miyerkules kung saan lalong ginatungan nila ang akusasyon ni Baguio City Mayor Benjie Magalong laban kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde. “A prelude to the 2022 elections. Very obvious na,” ang puna ni kosang Jessie Glen Alonsabe. Ang mga lumutang sa Senate hearing ay sina dating PNP chief Allan Purisima, Raul Petrasanta at

Rudy Licudin, na siyang gumatong sa tsismis ng amo n’yang si Magalong sa pagsasabing konti lang ang pakinabang ni Albayalde sa trabaho ng ninja cops.

Si Purisima ay miyembro ng PMA Class ‘81, si Licudin at Petrasanta ng Class ‘84, at lahat sila ay nakapuwesto noong panahon ni dating Pres. Noynoy Aquino. Kaya tama lang ang puna ni

Albayalde na “na gang-up” siya sa Senate hearing. Araguuyyy! Hak hak hak! Kasi nga ba naman hindi makaporma si Albayalde sa mga seniors niya sa PMA subalit buti na lang magaling siyang sumalag sa mga isyung dulot ng mga “dilawan” generals, ‘di ba boss Benjie?

Marami sa mga kausap ko sa kalye ang nagsasabing hindi lang ang imahe ni Albayalde at ng PNP ang nagiba sa Senate hearing kundi maging ang war on drugs ni President Digong. Kasi sa huling survey, aabot sa 82 percent ng mga Pinoy ang sang-ayon sa war on drugs ni Digong at kung i-translate ito sa boto sa 2022 elections, kahit istambay sa kalye ang i-endorse ng Palasyo,

aba sigurado na ang panalo nito. Subalit sa paggiba ng war on drugs ni Digong, marami sa ngayon sa publiko ang may agam agam at kapag napagpatuloy ang Senate hearing malaki ang posibilidad na bubulusok pa ito pababa at lalaki ang tsansa ng opposition na manalo. Araguuyyy! Hak hak hak! Tahimik pa ang kampo nina Sen. Richard Gordon at Sen. Ping Lacson sa ambisyon nila sa 2022 at marahil natuto sila ng leksiyon sa katauhan ni dating Makati Mayor Jejomar

Binay na maagang nagdeklara ng ambisyon niya kaya hayun laglag.

Alam naman ng mga kosa ko na may ax to grind sina Lacson at Gordon kay Digong dahil sa pagsupla sa kanila ng huli nitong nagdaang mga araw.

At kilala ng ma kosa ko ang ugali nina Lacson at Gordon na hindi umaatras sa laban. Malalim pa ang lakad kung paano namaniobra para sumulpot si Magalong sa Senado, subalit napuna ng mga kosa ko na GCTA ang iniimbestigahan at napunta ito sa lumang shabu recycling na ang tinamaan ay ang pinagkatiwalaan ni Digong sa war on drugs, na si Albayalde.

Lumalabas na collateral damage lang si Albayalde, at hanggang sa ngayon mukhang hindi pa alam ng publiko na ang Senate hearing ay prepositioning na para sa 2022 elections. Get’s n’yo mga kosa? Ang masama lang nito, nagamit pa si PDEA director Aaron Aquino na ang tawag sa ngayon sa Camp Crame ay “sleeping with the enemy.”

Kaya mga kosa, bantayan natin ang susunod na survey at tiyak babagsak ang rating sa kampanya vs droga ni Digong, dahil ayon kay Sen. Franklin Drilon aalog-alog na ito. Ang bago lang, hindi na natutulog si Drilon sa Senado dahil naenjoy niya ang pag-usad ng pagdurog sa war on drugs ni Digong. Araguuyyy! Kaya fasten your seatbelts mga kosa dahil matagal pa ang biyahe natin. Abangan!

Show comments