Script sa paggiba kina Albayalde at Lastimoso, iisa lang?

HUMIHINGI ng clear evidence si Pres. Digong sa akusasyon laban kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde ukol sa recycling ng illegal drugs sa Pampanga noong hepe pa s’ya ng pulis sa probinsiya. Ayon kay Digong, presumed innocent si Albayalde dahil puro haka-haka lang ang binitiwan ni Baguio City Mayor Benjie Magalong laban sa kanya. “You know, Albayalde is the PNP chief.

Give me clear proof na talagang he was there on the take or was in the trafficking of drugs,” ani Digong. “I have to follow procedural due process and allow him to answer. The right to be heard. It’s given to the criminals, to the kidnappers. It should be given to a general of the PNP,” ayon pa kay Digong. Si Int. Sec. Eduardo Año ang mag-imbestiga sa kaso ni Albayalde at mga ninja cops. Araguuyyy! Hak hak hak! May tiwala pa si Digong sa liderato ni Albayalde sa PNP, di ba kosang Sen. Bato de la Rosa Sir?

Sa totoo lang, puro tsismis lang ang binitawan ni Magalong sa kanyang expose’ tulad ng SUV ni Albayalde dahil wala siyang resibo o dokumento man lang na ipinakita. Maging ang 200 kilos na nasamsam ng tropa ni PNP chief o P50 milyon na kapalit ng paglaya ng drug trafficker na si Johnson Lee, ay wala ring corroborating evidence.

Kaya kapag isinampa ‘yan sa korte, lusaw talaga. Kaya lang ang labanan dito sa Senate hearing ay ang public opinion, kaya giba si Albayalde, kasama na ang imahe ng PNP. Araguuyyy! Hak hak hak! Weder-weder lang talaga!

Ang puna naman ni kosang Fernan Marasigan ay parang parehas ang script nitong paggiba kay Albayalde at ang paggiba rin noon kay dating PNP chief Gen. Bobby Lastimoso. Ayon kay kosang Fernan, inakusahan ni Sen. Ping Lacson, na hepe noon ng PAOCTF, si Billy Jaca na ginamit ang relasyon nito kay Lastimoso para maipa-release ng anti-narcotics agents ang drug lord na si Vincent Sy sa halagang P10 milyon.

Kaya hayun, nasibak si Lastimoso na naging hepe ng PNP mula Hulyo 1998 hanggang Hunyo 1999. Subalit hindi kaagad nakinabang si Lacson dahil wala pang resolution ang kaso ng Kuratong Baleleng, kung saan isa siya sa mga akusado kaya naging OIC ng PNP si Gen. Edmund Larroza, mula Hunyo hanggang Nov. 1999. Si Lacson ay naging PNP chief mula Nov. 16, 1999 hanggang Enero 20, 2001 nang makudeta si Pres. Erap Estrada, Araguuyyy! Hak hak hak! Sino kaya ang manok ni Lacson sa pagka-PNP chief sa ngayon? Anong say mo kosang Fernan?


Si Estrada ay pinalitan ni Pres. Gloria Macapagal Arroyo na kinasuhan naman si Lacson kaya nagtago at lumutang lang noong panahon ni Pres. Noynoy Aquino. Si Albayalde ay taga-Pampanga at open secret naman na tumulong si GMA sa pag-upo niya sa PNP. Hak hak hak! May kulay pulitika kaya ang paggiba kay Albayalde?

Kung sabagay, hindi lang naman sina Lastimoso, at Albayalde ang binira ni Lacson kundi maging si Nicanor Faeldon at Health Sec. Francisco Duque. Kaya kumakalat sa social media na si Lacson na ang pumalit kay dating Sen. Antonio Trillanes. Abangan!

Show comments