^

Punto Mo

Giant hito na kumakain ng tao, nahuli sa isang ilog sa India

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG higanteng hito na kumakain ng tao ang nahuli sa isang ilog sa India. Ang nakahuli sa giant hito ay isang British biologist.

Ayon sa report, 1998 nang magsimulang umatake ang higanteng hito sa ilog Kali nang sagpangin nito sa ilalim ng tubig ang isang 17-anyos na lalaki habang naliligo. Hindi na nakita ang lalaki na kinain na ng giant hito.

Tatlong buwan makaraan ang madugong insidente, isang batang lalaki naman ang naging biktima ng hito. Naliligo rin ang bata kasama ang kanyang ama nang sagpangin ito. Hindi na rin natagpuan ang bangkay ng bata na pinaniniwalaang kinain ng hito.

Ilang ulit pang nakapambiktima ang higanteng hito ng mga naliligo sa ilog. Hanggang sa nabalitaan ni Jeremy Wade, isang biologist ang tungkol sa hito na kumakain ng tao.

Nagtungo siya sa India at nagsagawa ng imbestigasyon. Nagtanung-tanong siya sa mga tao ukol sa higanteng hito.

Nalaman ni Wade na nasanay sa laman ng tao ang hito ng makatikim ito ng laman ng tao mula sa mga bangkay na ipinaaanod sa tubig na nakaugalian na ng mga tribo na nakatira malapit sa ilog Kali.

Dahil sa nalaman, matiyaga na nag-abang si Wade sa ilog. Hanggang sa isang bangkay ang nakita niyang inaanod sa ilog at nakita niya na sinagpang ito ng higanteng hito at kinain. Kitang-kita niya ang pangyayari.

Isinagawa ni Wade ang paghuli sa hito katulong ang mga tao. Gamit ang isang malaking pamingwit na may pain na karne, nahuli nina Wade ang higanteng hito. Nahirapan silang iahon ang hito sapagkat humigit-kumulang na anim na talampa-kan ang haba nito at 70 kilo ang bigat.

Mula noon, wa­la nang na­mamatay sa mga tao na na­liligo sa ilog ng Kali.

GIANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with