^

Punto Mo

Kototohanan ang dapat manaig!

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

SINO ang dapat paniwalaan  ng madlang public na nagsasabi ng totoo ?  Si CPNP Oscar Albayalde o dating PNP - CIDG at dating Region 3 director Aaron Aquino tungkol sa usapin ng ‘ninja cops ?’Sinasabing pinigilan umano ni Albayalde na noo’y NCRPO regional director, si dating Police Regional Office 3 (PRO-3) director Aaron Aquino na ipatupad ang dismissal ng 13 pulis na nakasuhan dahil sa isang drug operation sa Pampanga last 2013.  Ang kuwento ay galing kay dating CIDG chief Benjamin Magalong sa sinabi nito sa pagdinig sa Sena­do na tinawagan ni Albayal­de si Aquino tungkol sa dis­missal order ng 13 pulis.

Totoo kaya ito?

Si Aquino ang hepe ngayon ng PDEA samantala si Alba-yalde ang CPNP.

Sinabi rin diumano ni Aqui­no kay Boss Digong na tinawagan siya ni Alba­yalde para sabihan na huwag ipatupad ang dismissal order.

Tinanong umano ni Aquino si Albayalde kung bakit hindi niya dapat ipatupad ang dismissal. Sinabi daw ni Alba­yalde na mga tao niya ang sangkot.

Ano ang nangyari?

Sabi ni Magalong, ipinatapon na lamang daw ni Aquino sa Mindanao para masabing may ginawang aksyon sa mga pinaghihinalaang policemen.

Tirada naman ni  Albayalde, tumawag siya kay Aquino para lamang malaman ang estado ng kaso.

Birada ni Alba­yalde na hindi niya maa­aring maimpluwensiyahan ang isang regional director at isang upper classman sa PMA. 

Nagtataka si  Alba­yalde dahil  hindi niya alam kung ano ang motibo ni Magalong sa pagdadawit sa kanyang  pangalan sa iligal na gawain.

Bakit nga ba?

Sinabi ni Albayalde, si Magalong, ay dating PNP-CIDG chief dapat ay may nagawa ito sa pag­laban sa iligal na droga. 

Nag-follow up dapat noon si Magalong sa estado ng pag-dismiss sa 13 pulis Pampanga.

Sagot ni Maga­long, na hindi na niya ti­nutukan ang kaso ng 13 pulis dahil hawak na umano ito noon ni Region 3 police director Chief/Supt. Raul Petrasanta.

Si Petrasanta ang nag-utos na i-dismiss ang mga ito dahil sa grave misconduct.

Sa puntong ito inaantay ng madlang Pinoy ang kahihinatnan ng takipan blues sa kaso ng mga policemen na isinasangkot sa droga. Kailangan din mag-imbestiga at kalkalin ng Senado at irekomendang sibakin kung sino ang nagkasalang opisyal sa isyung pinaguusapan natin isyu sa itaas. Abangan.

 

MANAIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with