^

Punto Mo

Imahe ng PNP, giba sa Senate hearing!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

TAHASANG sinabi ni Senate Pres. Sen. Tito Sotto na hindi apektado ang kredibilidad ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde dito sa sarsuela sa Senado ukol sa recycling ng shabu. Sinabi ni Sotto na matagal nang isyu itong shabu recycling at hindi pa PNP chief si Albayalde. “As the present PNP chief, I don’t think his credibility is affected. Ibang usapan ‘yung nakaraan. Hindi natin masabi kung may value or what,” ayon pa kay Sotto. Subalit kahit nagbigay pa si Sotto ng suporta sa liderato ni Albayalde sa PNP, giba naman ang imahe ng pulisya sa Senate hearing tungkol sa GCTA, corruption sa BuCor na naligaw at napunta sa recycling ng droga. Kung nahirapan sina dating PNP chief at ngayo’y Sen. Bato dela Rosa, Albayalde at NCPRO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar para maitaas ang antas ng acceptance rating ng pulisya sa madlang people, tiyak bubulusok na naman ito pababa dahil sa Senate hearing. Sa ngayon kasi, halos 82 percent na ang acceptance rating ng PNP, lalo na sa trabaho nila sa droga, at tiyak babagsak ito sa susunod na mga survey dahil nagisa ng husto ang mga pulis na sangkot sa “agaw-bato” at nadamay pa si Albayalde. Kaya nalulungkot ang mga aktibo at retiradong mga pulis at pati NUP dahil malaking papel ang ginampanan nina PDEA director Aaron Aquino, Baguio City Mayor Benjie Magalong at Sen. Ping Lacson sa pagwarat ng imahe ng PNP. Si Aquino ay miyembro ng PMA Class ‘85, si Magalong ay Class ‘82 at si Lacson, na dating PNP chief din, ay Class ‘71. Si Albayalde naman ay miyembro ng PMA Class ‘86 kaya lumalabas na away ito ng PMAyers at malalim ang motibo nito. Araguuyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan subalit ang tinamaan ng sandamukal na lintik ay si Albayalde.

Maaring masabi kong luma na ang isyu ng “agaw bato” subalit nasa limelight ito sa ngayon dahil kay Albayalde, na hepe ng Pampanga police nanng mangyari ang kaso. Ang rekomendasyon ni Gen. Raul Petrasanta, ang PRO3 director, ay sibakin sa tungkulin ang sangkot sa kaso, subalit nagturu-turuan ang mga dating hepe ng PRO3, kasama si Aquino, sa Senate hearing kung bakit hindi na-implement ito. Inamin naman ni Albayalde na tumawag siya kay Aquino, noong NCRPO chief pa siya para magtanong kung ano na ang status ng kaso dahil sa nagtatanong din sa kanya ang mga kamag-anak ng mga pulis, na dating mga tauhan niya. Iginiit ni Albayalde na hindi nangahulugan na ini-influence niya ang kaso kundi para i-update lang ang mga kamag-anak ng mga akusado. Ang ipinagtaka ng mga aktibo at retiradong PNP personnel ay bakit ngayon lang nagsalita si Magalong tungkol sa kaso eh dating hepe rin s’ya ng DIDM kung saan hawak niya ang lahat ng kaso ng mga rogue cops. At tinitira pailalim ni Magalong si Albayalde, na magreretiro na sa Nob. 8. Bago kasi ang Senate hearing, lumakas ang ugong na i-extend ni Digong ang termino ni Albayalde at mukhang naalarma ang mga papalit sa kanya kaya hayun, nagamit ang Senado para gibain siya subalit nadamay ang imahe ng PNP. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Maliwanag pa sa sikat ng araw na pinipilit pa ni Magalong si Aquino na magsalita laban kay Albayalde, na maayos namang nakapagsagot sa lahat ng akusasyon laban sa kanya, kahit panay putol ni Sen. Dick Gordon ng pagkataon na magpaliwanag siya. Hehehe! Weder-weder lang ‘yan! Abangan!

OSCAR ALBAYALDE

SENATE HEARING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with