^

Punto Mo

Drug syndicates, masaya sa pagkasangkot ni Albayalde sa droga!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HUMAHAGIKGIK sa tawa ang mga lider ng drug syndicates dahil mukhang nakalog nila ang gobyerno ni President Duterte sa akusasyon na sangkot sa droga si PNP chief Gen. Oscar Albayalde. Kung hindi man lang pinansin ni Digong ang akusasyon na sangkot sa droga ang pamilya niya, lalo na ang anak na si Rep. Polong Duterte, at Sen. Bong Go, mukhang nayanig sila sa kinakalat ng mga kalaban ni Albayalde na may bahid siya sa droga. Siyempre, maging si Albayalde ay nahilo sa akusasyon laban sa kanya dahil malinis ang kanyang konsensiya, di ba mga kosa? Si Albayalde ay hepe ng Pampanga provincial command, nang masangkot ang mga tauhan niya sa tinatawag na “agaw bato,” na naging dahilan sa pagka-relieve niya sa aspetong command responsibility. Nalinis naman ni Albayalde ang pangalan samantalang ang mga tauhan niya ay pinawalang-sala rin ng korte. Hayan, maliwanag mga kosa ha? Ang korte ang nagpabalik sa serbisyo sa mga tauhan ni Albayalde at nangyari ito noong hindi pa siya PNP chief. Araguuyyy! Sa administrative aspect naman ay one rank demotion ang ipinataw ng liderato ng PNP sa mga tauhan ni Albayalde at hindi alam ni dating PRO3 director Gen. Ismael Rafanan kung napirmahan na ito. Hak hak hak! Kung si Digong ang sinisisi kapag may pagkakamali ang gobyerno, si Albayalde rin ang may kasalanan sa PNP kahit korte na ang nagsalita ukol dito? Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa?

Sa totoo lang, dismayado si Albayalde sa pagkasangkot niya sa droga na isinagawa habang halos limang linggo na lang s’ya sa PNP. Gusto kasi ni Albayalde, na lisanin niya ang PNP na may legacy na iniwan para maalala naman ang liderato niya sa mahabang panahon. Kung si Polong ay nakayanang lampasan ang mga hamon sa buhay niya at tingnan n’yo naman mga kosa at naging representante pa siya ng Davao. Sa tingin naman ng mga kosa ko, maalpasan ni Albayalde ang challenge sa buhay niya at alam nila na matutuwa ang drug syndicates dahil malaking dagok sa sindikato nila ang walang humpay na kampanya ng PNP laban sa kanila. Sa katunayan, 82 percent ng mamamayan ang pabor sa kampanya ni Digong sa droga kung saan ang PNP ang masigasig sa pagpatupad nito. Araguuyyy! Kaya naman salagin ni Albayalde itong mga pasakalye laban sa kanya at sa katunayan, sisipot siya sa Senate hearing bukas para linisin ang pangalan at ilahad ang katotohanan para kumbinsihin ang mga Senador na malinis ang budhi niya pagdating sa droga. Hak hak hak! Go, go, go lang Gen. Albayalde Sir dahil «truth shall prevail» talaga.

Bakit galit si Baguio City Mayor Benjie Magalong kay Albayalde? Sa totoo lang, GCTA ang paksa sa Senate hearing subalit napunta sa droga at humingi ng Executive session si Magalong kung saan ipinahamak niya si Albayalde. Wala palang utang na loob si Magalong, ayon kay Rafanan. Tandang-tanda pa ni Rafanan na si Albayalde mismo ang nakiusap na huwag patawan ng kaparusahan si Magalong sa naamoy nilang kudeta laban kay GMA noon at napagbigyan naman. Ang napa-relieve nila ay ang SAF director at tatlong Army  Brigade Commander, ani Rafanan. Si Magalong, na bata ni Sen. Ping Lacson, ay hindi pala marunong lumingon sa pinanggalingan n’ya? Abangan!

vuukle comment

DRUG SYNDICATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with