Pinakamatangkad na robot sa mundo na kawangis ng tao, hindi makalabas ng warehouse
ISANG dambuhalang robot ang dinisenyo at nilikha ng isang Japanese mechanical company.
Sa taas nitong 8.46 m (27 ft 9 in), habang 4.27 m (14 ft) at 4 m (13 ft 1 in) lapad, ang robot na binansagang “samurai warrior” ng kompanyang lumikha dito na Sakakibara Kikai ay siya ngayong may hawak ng Guinness World Records bilang pinakamalaking sasakyan na kawangis ng tao.
Hango ang disenyo ng samurai warrior mula sa mga robot na mapapanood sa Japanese cartoons. Katulad ng mga robot doon ay maaari ring sakyan ang samurai warrior at kontrolin ang galaw nito mula sa cockpit.
Hindi naman naplano ng mga lumikha sa robot ang magiging taas nito kaya hindi nila naisip kung magkakasya ba ito sa lagusan ng warehouse kung saan ginagawa ito.
Nang magawa na ang robot ay kailangan tuloy alisin muna ang ulo nito upang makalabas ng warehouse.
- Latest