NADISKUBRE ng isang physiologist sa Medical College of Georgia na ang kamandag o venom ng gagamba ay nagpapatigas ng ari ng lalaki. Iyon nga lang para makuha ang venom, kailangang makagat ng gagamba. At maaari ring malagay sa panganib ang buhay kapag kumalat ang kamandag sa katawan ng sinumang makagat.
Ang gagamba na nagpapatigas umano ng ari ay matatagpuan sa Brazil at tinatawag na Phoneutria nigriventer. Karaniwan itong makikita sa puno ng saging kaya tinatagurian ding banana spider.
Ang venom ng gagamba ay sinasabing may rich mixture nang maraming molecules. Ang molecules ay tinatawag na toxins. Ang mga toxin ay may iba’t ibang activity at kapag ang isang lalaki ay nakagat ng gagamba, magkakaroon siya ng sintomas na tinatawag na priapism.
Ayon kay Dr. Kenia Nunes, isang physiologist ang priapism ay isang kondisyon kung saan ang penis ay walang tigil sa pagtigas makaraang makagat ng gagamba. Gayunman, maaaring malagay din sa panganib ang buhay ng sinumang makagat ng gagamba sapagkat mahihirapan itong huminga dahil sa kawalan ng oxygen. Kailangang masaksakan ng anti-venom ang pasyente para maka-recover.