^

Punto Mo

EDITORYAL - Ingat sa pagkainng baboy!

Pang-masa
EDITORYAL - Ingat sa pagkainng baboy!

TATLONG barangay sa Rodriguez, Rizal ang apektado ng African swine fever (ASF) at may mga namatay ng baboy. Ito ay ayon sa diagnosis ng Bureau of Animal Industry (BAI). Hindi pa naman nagpapalabas ng anumang report o kautusan ang Department of Agriculture sa sinasabing pagkalat ng ASF. Hihintayin pa umano ang resulta ng laboratory tests.

Noong nakaraang Sabado pa isinailalim sa qua-rantine ang tatlong barangay sa Rodriguez dahil sa napabalitang pagkamatay ng mga baboy. Nagsagawa na rin ng checkpoint sa lugar para masigurong walang karne ng baboy ang makakalabas sa nasabing lugar. Sinisiguro na ang mga lalabas na karne ng baboy ay walang ASF.

Nagpayo naman ang Department of Health (DOH) sa mamamayan na lutuing mabuti ang karneng baboy para makasigurong malinis ito sa anumang bacteria. Dapat maging maingat at siguruhing ang bibilhing karne ay malinis.

Na-detect ang ASF sa 19 na bansa at agad na ipinagbawal ang mga karneng baboy na galing sa mga bansang ito. Noon pang nakaraang taon ipinagbawal ang pagpasok ng mga karne. Naglagay na ng foothbath sa NAIA at iba pang ports para masiguro na walang makakapasok na karneng baboy na may ASF.

Nakapagtataka kung paano nakapasok sa bansa ang ASF sa kabila nang mahigpit na screening. Dapat pang maging mahigpit sa pagbabantay ang mga awtoridad para masiguro na walang makakapasok na karneng may ASF.

Ngayong papalapit na ang “ber” months, tiyak na dadagsa ang imported na karneng baboy. Dapat maging mapagmatyag at maki-cooperate ang lahat para hindi na kumalat ang ASF.

BABOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with