Acosta at Erfe, kinasuhan sa Ombudsman
NAGSAING este mali naghain pala ng reklamo ang ilang sumbungero laban kina Atty. Persida Acosta, PAO chief at kay Atty/Dr. Erwin Erfe, forensic chief sa diumano’y irregularities regarding sa disgracia este mali dengvaxia pala kaya naman gusto ng grupo ng mga reklamador na suspindihin ang dalawa dahil sa illegal na paggamit ng pondo.
Naku ha!
Ano ba ito?
Totoo kaya ito?
Sa sulat ng mga sumbungerong abogado na ayaw magpakilala iniipit daw ng dalawang bossing nila sa office at nagsabwatan sa paggugol ng budget ng PAO.
Sabi ng mga reklamador, ginamit pa diumano ng dalawang bossing nila ang pondo para sa pagpagawa ng mga tarpaulin at t-shirt echetera sa kampanya ng mga ito versus disgracia este mali dengvaxia pala at ang paggawa ng PAO forensic laboratory.
Inakusahan muna ng isang alyas Wilfredo Garrido Jr., ng graft sina Acosta at Erfe ng falsification of public documents, illegal use of public funds, malversation of public funds, grave misconduct, serious dishonesty, grave abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of public service.
May mga evidence kaya ang mga reklamador laban sa dalawang opisyal ng PAO? Kung mayroon dapat na sigurong lumantad na sila at bahala na ang Ombudsman na kumalkal sa evidence.
Kambiyo issue, ang Malacañang ay buo pa rin ang tiwala sa dalawang opisyal!
Ano sa palagay ninyo?
Abangan.
• • • • • •
Saklaan at peryahan sa Kyusi binuhay sa isang iglap
Paldo ang mga lespu sa Kyusi dahil sa umarangkada ang saklang patay ng isang alyas Toto ng bigyan ito ng ‘blessing’ ng mga patong na pulis sa lugar ng saklaan blues.
Ang mga personeros sa saklaan ay mabilis pa sa alas kuatro humanap ng mga patay sa lugar ng Kyusi lalo r’yan sa himpilan ng 1, 2 at 3 para latagan ng lamesa at magpasugal.
Hindi lang saklaan patay ang uso sa Kyusi kundi ang peryahan na inilalatag ng mga hunghang d’yan sa kanto ng Banawe at Retiro, puro bata ang makikitang tumataya sa color games.
Sabi nga, siksikan ang mga mananaya rito. Take note, SILG Ed Año, Your Honor!
Mahigit isang buwan na ang peryahan sa lugar hanggang ngayon ay panay pa rin ang taya ng mga bata na nagbabakasa-kaling madoble ang kanilang pera sa bulsa.
Ano ba ito?
Bakit pinayagan ito ng Barangay Captain sa lugar?
Kailan kaya ito bubuwagin?
Abangan.
- Latest