^

Punto Mo

EDITORYAL - Ipagpatuloy ang imbestigasyon sa PCSO

Pang-masa
EDITORYAL - Ipagpatuloy ang imbestigasyon sa PCSO

INALIS na ni President Duterte ang suspension sa lotto kahapon. Puwede na uling tumaya sa mga outlet ang mga mananaya na natigil ng limang araw. Pero ang lotto lamang ang pinayagan at hindi ang iba pang games gaya ng Keno, STL at Peryahan ng Bayan. Walang sinabi kung kailan papayagan ang mga nabanggit na games. Kahapon, marami na uli ang pumila para tumaya sa lotto.

Sinuspinde ng Presidente ang operasyon ng PCSO noong nakaraang Sabado dahil sa “massive corruption”. Ayon sa report, ang mga retirado at aktibong opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang dahilan kaya napundi ang Presidente at ipinasyang agarang ipasara.

May kaugnayan umano sa prankisa ng mga games ang dahilan. Pawang pag-aari umano ng mga retired at active AFP at PNP officers ang mga prankisa at pinapangalan lamang sa ibang tao. Natatalo ang gobyerno ng bilyong piso. Pawang sa bulsa umano ng mga matatakaw na “buwaya” sa PCSO napupunta ang kita.

Iimbestigahan umano ng Senado ang nangyaya­ring corruption sa PCSO ito ay sa kabila na inalis na ang suspension ng lotto. Mag-iimbestiga rin umano ang National Bureau of Investigation (NBI) sa utos na rin ng Presidente.

Nararapat malaman ang katotohanan sa nangyayaring corruption sa PCSO. Panagutin ang mga sinasabing nakikinabang sa prankisa kuno. Hindi dapat makawala sa batas ang mga “matatakaw”.

Kapag hindi nakasuhan ang mga nasa likod ng katiwalian sa PCSO, laging magkakaroon ng pagdududa ang mamamayan sa resulta ng mga lumalabas sa lotto. Hindi maiiwasang ang mga kawatang opisyal ang nananalo sa draw na umaabot sa milyong piso. Madaliin ang imbestigasyon sa PCSO.

KENO

PCSO

STL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with