Lalaki sa India, kinagat at nginuya ang ahas na tumuklaw sa kanya!

NAKAPAGHIGANTI kaagad ang isang lalaki sa India sa ahas na tumuklaw sa kanya sa pamamagitan ng pagkagat at pagnguya rito.

Nagre-relax lang si Raj Kumar sa bahay niya sa Uttar Pradesh nang bigla na lang siyang tuklawin ng ahas.

Ayon sa ama niyang si Babu Ram, hindi naman daw nagpatalo si Raj, kinagat din nito at nginuya pa ang ahas na tumuklaw sa kanya.

Agad na isinugod si Raj sa hospital kung saan napabalitang kritikal ang kanyang kondisyon.

Sinasabing isang rat snake ang tumuklaw kay Raj, na ayon sa mga eksperto ay hindi naman makamandag.

“This is definitely weird,” ang tanging nasabi ng doktor na tumingin kay Raj Kumar.

Ayon kasi sa doktor, marami na siyang pas­yente na natuklaw ng ahas ngunit ngayon lang daw siya nakatagpo ng pasyenteng kinagat ang ahas na tumuklaw at nginuya pa.

Show comments