^

Punto Mo

EDITORYAL - Ipagpatuloy ang pagtitipid sa tubig

Pang-masa
EDITORYAL - Ipagpatuloy ang pagtitipid sa tubig

HUWAG mag-aksaya sa paggamit ng tubig. Ito ang paalala ng mga opisyal ng National Water Resources Board (NWRB). Ito rin ang kahilingan ng dalawang water concessionaires – Maynilad at Manila Water. Ito ay kasunod nang pagbaba na naman ng water level sa Angat Dam na pinagkukunan ng tubig na sinusuplay sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya. Nasa kritikal na level na naman ang Angat at kung hindi titipirin ang paggamit ng tubig, maaaring bumaba pang lalo ang level nito.

Ayon sa NWRB, umabot na sa 161.01 ang level ng tubig sa Angat kaya nabawasan na naman ang daily water allocation para sa Metro Manila concessio­naires. Ipagpapatuloy naman ng Maynilad at Manila Water ang pagpapatupad ng water interruptions sa customers.

Kahit na umulan noong mga nakaraang linggo, hindi rin ito nakasapat at bahagya lang ang naidagdag na tubig sa Angat kaya balik uli sa kritikal na level. Sabi ng PAGASA, maaaring sa katapusan pa ng ­Hulyo maibalik ang dating dami ng tubig sa dam. May dalawa o tatlong bagyo umano ang dadalaw sa bansa at maaaring ito ang kasagutan sa natutuyong dam.

Dapat namang magsagawa na ng cloud seeding ang NWRB sa tapat ng Angat Dam para madagdagan ang tubig. Kailangan na ito para hindi na umabot pa sa malalang problema ang sitwasyon. Kahit na sinasabi ng PAGASA na may paparating na sama ng panahon, huwag itong hintayin at isagawa ang cloud seeding.

Magtipid sa paggamit ng tubig at pangunahan ito ng pamahalaan. Maraming tanggapan ng gobyerno ang bulagsak sa paggamit ng tubig at sila ang dapat kastiguhin.

Mag-inspeksiyon naman ang Maynilad at Manila Water sa Metro Manila at maaaring may mga leak sa kalsada. Pangunahan ng pamahalaan ang pagtitipid at susunod ang mamamayan. Kailangang magpakita ng halimbawa sa pagtitipid.

MANILA WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with