Dehado sa laban ang magiging Speaker

MUKHANG nanlumo sa laban ang ‘standing favorite’ para sa Speakership of the House, dahil imbes na umabante ito sa kanyang pangarap ay dahan, dahan itong umaatras kahit suportado ito ng malaking numero sa Kongreso. 

Bakit?

Ayaw niyang suwayin at pangunahan ang kagustuhan ni Boss Digong kaya ito na lang ang magbibigay.

Sabi nga, hands up!

Ika nga, surrender ini, Hehehe!

Ang kalaban nito kahit iilan lang ang sumusuporta ay tuloy, tuloy pa rin sa laban kaya naman panay ang kanyang pag-iingay?

The other day, inalok ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ng Hugpong ng Pagbabago party ang majority floor leader kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano para sa 18th Congress.

Inihayag ni Inday Sara, ang alok ng partido Hugpong ng Pagbabago kay dating House Committee on Appropriations chair at ang bumalik na si 3rd District Davao City Rep. Isidro Ungab, bilang susunod na uupo sa trono bilang ‘Speaker’ ng House of Representatives kaya malamang ito na ang paikot sa Kongreso.

Bukod kay Cayetano, dalawa pa ang itinutulak ng Hugpong na mga nangunguna sa pagka-speakership na sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, bilang chairman ng House Committee on Appropriations at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, bilang chairman ng House Committee on Accounts.

Ang endorsement ay sinang-ayunan din ni 1st district Rep. Paolo Duterte, ng bigla itong naghayag na gusto din niyang maging ‘Speaker,’ pero bandang huli ay si Ungab din ang kanyang itinutulak.

Bakit?

Dahil sa isyu ng term-sharing na tinutulak diumano ni Cayetano?

Ayon sa House observers, puedeng mapagsama-sama, together ulit ni Paolo ang mga nahahating kongresista kapag ito ang namuno sa kanila?

Dahil sa paglutang ng pangalan ni Ungab malamang ito na ang uupo sa tronong iniwan ni GMA.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

• • • • • •

Palitan kaya si Guerrero sa BOC?


Mukhang papalitan diumano si Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kahit hindi pa nag-iinit ang puwitan nito sa kanyang trono?

Naku ha!

Totoo kaya ito

Bakit?

Ayon sa bulung-bulungan sa apat na sulok ng barberya ni Mang Entong, pinalulutang ang pangalan nina CPNP Oscar Albayalde, dating AFP spokesman Major General Restituto Padilla Jr,. at si dating NFA administrator Jason Aquino.

Naku ha!

Totoo kaya ito? Abangan.

Show comments