^

Punto Mo

Suicide bomber, uso ba?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

IBINIDA ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles, na ang suicide bombing incident malapit sa isang Army command post sa Sulu last Friday  ay maaaring isang senyales na gagamitin ng mga Islamic extremists sa Philippines my Philippines para ipaalam na handa silang magpakamatay.

Naku ha!

Ang tatapang?

Sabi ni Nograles, dapat ngayong ika-18th Congress kailangan unahin ang national security legislation at susugan ang Human Security Act of 2007 o ang RA 9372. 

Tirada ni Nograles, ang AFP at PNP ay hindi ganap na mapo-protektahan ang madlang people dahil walang mga probisyon sa cyber-terrorism dahil may parusa laban sa mga pulis kung sila ay aaresto o antalahin ang isang cyber-terrorist.

 Sinasabi na ang Sulu ay diumano’y palaruan ng mga dayuhang terorista, pumapasok sila thru backdoor.

Sinabi ni Nograles, ang suicide bombing attack noong Biyernes sa isang command post ng Army 1st Brigade Combat Team sa Tanjung, Indanan Sulu na pumatay ng walong tao at nakasugat ng 22 people.

Ayon sa information, mukhang ISIS group ang kumana ng pagsabog.

Sabi ni Nograles, dapat tiktikan ng husto nang militar ang galawan ng mga pinaghihinalaang mga personalidad para maiwasan o masugpo ang kanilang maitim na balak.

Gusto talagang guluhin ng mga Islamic extremists ang Philippines my Phi-lippines.

“Ang mga walang hiyang mga pag-atake ay dapat matigil. Ang mga militar at ang pulisya ay maaari lamang gawin ito upang protektahan ang madlang people sa bagong paraan ng pananakot. Kailangan din makipagtulungan ang madlang people para matiktikan ang mga kontrabida.

Pangatlong strike ng mga terorista ang pagpapasabog  una ay ginawa ng isang Moroccan national sa Lamitan, Basilan noong Hulyo 2018, ang pangalawang sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo noong Enero 2019 isinagawa ng Indonesian nationals, at ngayon ang ikatlong sa Indanan, Sulu.

Ano sa palagay ninyo ?

Abangan.

JERICHO NOGRALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with