^

Punto Mo

Wedding ring na nawala 50 taon na ang nakararaan, nakuha muli ng 94-anyos na lola

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SALAMAT sa isang nagmagandang-loob na nakarinig ng kanyang kuwento, napasakamay muli ng isang 94-anyos na lola ang kanyang wedding ring matapos itong mawala 50 taon na ang nakararaan.

Ikinukuwento ni Florence Bush ang pagkawala ng kanyang singsing nang maulinigan ito ni Wesley White, na binibisita ang kanyang ina sa kaparehong nursing facility kung nasaan naroon din si Bush.

Nagkataon namang libangan ni Wesley ang pagha-hanap ng mga metal na bagay na nakabaon sa lupa gamit ang kanyang metal detector kaya nagprisinta siyang hanapin ang singsing.

Pinuntahan  ni White ang lugar kung saan nawala ang singsing ayon sa kuwento ni Bush at sa loob lamang ng 90 minuto, nahanap na niya kaagad ito na nakabaon na pala ng limang talampakan sa ilalim ng lupa.

Sa kabila ng pagkakabaon ng napakatagal na panahon, nakamamanghang walang gasgas ang sing­sing.

Tuwang-tuwa naman si Bush sa pagkakabalik sa kanya ng sing-sing, na inakala niyang hindi na makikita.

vuukle comment

WEDDING RING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with