^

Punto Mo

EDITORYAL - Tipirin ang tubig

Pang-masa
EDITORYAL - Tipirin ang tubig

NASA kritikal na level na ang tubig sa Angat Dam. Patuloy na nababawasan kahit na dineklara ng PAGASA na panahon na ng tag-ulan. Bagama’t umuulan sa dakong hapon at gabi, hindi pa rin ito sapat para madagdagan ang tubig sa mga dam na nagsusuplay sa Metro Manila. Noong Sabado, umabot na sa 159.78 meters ang level ng tubig sa Angat Dam at sabi ng PAGASA, maaaring bumaba pa.

Dahil nasa kritikal  na level, magpapatupad ang Manila Water ng 12 hanggang 17 oras na water interruption sa kanilang consumers sa East Zone. Ayon sa Manila Water, ito lamang ang paraan para maipamahagi ang tubig. Apektado rin ang mga consumers ng Maynilad sa nasabing pagbaba ng level ng tubig sa Angat Dam. Nabawasan din ang alokasyon nila kaya magpapatupad din ng water interruption.

Nananawagan ang pamahalaan sa mamamayan na magtipid sa tubig. Maghinay-hinay sa paggamit sapagkat maaaring maranasan ng mga taga-Metro Manila ang kakapusan ng tubig na nangyari noong 2010 na sumadsad din ang level ng tubig sa Angat Dam.

Paalala ng pamahalaan na huwag mag-aksaya. Limitahan ang paggamit gaya nang paghuhugas sa mga sasakyan. I-recycle ang pinaghugasan sa mga plato at ito ang ipangbuhos sa inidoro o ipandilig sa mga tanim. Kaunting panahon na lang naman daw ang ipagtitiis dahil parating na ang ulan o mga bagyo.

Nararapat talagang maghinay-hinay sa paggamit ng tubig ngayon. Pero mas mainam kung ang pagtitipid sa tubig ay pangungunahan mismo ng mga taga-gobyerno. Mag-umpisa sa mga tanggapan ng pamahalaan. Maraming tanggapan na nag-aaksaya sa tubig. Pawang may leak ang mga tubo sa comfort room, maluluwag ang gripo sa mga lababo kaya walang tigil nang pagtulo, ang mga flush ng inidoro ay walang tigil sa pag-agos na parang balon. May mga comfort room na ang nakasahod na drum ay umaapaw sa tubig at tumatapon lamang.

Magkaroon din naman ng igting ang Maynilad at Manila Water sa pagkukumpuni ng mga tubo na nagtatapon nang maraming tubig. Maraming tubo ang may leak at tila swimming pool ang kalsada at natatapon ang tubig.

Magpakita ng halimbawa ang mga nakatataas at susunod ang mamamayan. Kailangang manguna ang pamahalaan lalo na sa nangyayaring krisis sa tubig.

 

TUBIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with