• Laging nagmamadali sa pagkain. Maraming hangin ang pumapasok sa tiyan kung minamadali ang pagkain. Lalo pang nadadagdagan ang hangin kung gumagamit ng straw sa kahit anong inumin. Ang hangin na pumasok sa tiyan ay lalabas bilang gas na maantot—utot ka nang utot o dighay ka nang dighay.
• Deodorant lang ang ginagamit. Mas magaling kung ang deodorant ay may anti-perspirant pa rin. Mas maraming pawis ang lalabas sa kili-kili, mas maraming bacteria ang maaakit nito na magiging sanhi ng anghit.
• Balakubak. Mali ang paniwalang kaya nagkakabalakubak ay dahil “dry” ang anit. Nagkakabalakubak dahil “oily” ang anit. Kapag oily, naaakit ang bacteria na tumira sa anit kaya nagiging amoy “umok” o “amag” ang anit diretso sa buhok.
• Regular na umiinom ng gamot. May mga prescription drug na nakakatuyo ng bibig at ito ang nagiging ugat ng bad breath. Karamihan ng gamot sa alta presyon at diabetes ay nakakatuyo ng bibig.
• Menstruation. Nagiging pawisin ang babae kapag may “buwanang dalaw”. Mga 14 na araw na nagbabago ang temperature ng katawan. Ang simula ng pagbilang ay sa unang araw ng menstruation. Sa pagitan ng mga araw na nabanggit, lumalakas din ang “vaginal secretions”.
• Nakakabaho ng hininga ang pagbabawas ng carbohydrates sa iyong diet. Sa mga nagpapapayat, mas dinadamihan nila ang protein sa kanilang diet at binabawasan o totally inaalis ang carbohydrates.
• Masikip na synthetic fiber ang isinusuot kapag naggi-gym o nagwo-work-out kaya kapag pinawis ay bumabaho.
• Gumagamit ng low-calorie sweeteners such as sorbitol. Nakakapag-pautot ito at nakakapagtae.
• May sipon dulot ng allergy. Ang sipon ay nagpupunta minsan sa lalamunan at ito ang pinagmumulan ng bad breath.