^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga lumang jeepney huwag nang payagang makabiyahe

Pang-masa
EDITORYAL - Mga lumang jeepney huwag nang payagang makabiyahe

LUMANG-LUMA na umano ang pampasaherong jeepney na nahulog sa bangin noong Martes ng hapon sa Libon, Albay na ikinamatay ng walong pasahero at ikinasugat ng 18 iba pa. Karamihan umano sa mga biktima ay nanggaling sa school at nakiisa sa Brigada Eskuwela.

Umano’y overloaded ang jeepney at nawalan ito ng preno habang papalusong. Bumulusok ang jeepney sa bangin at sa lakas ng pagbagsak ay agad namatay ang walong pasahero. Dinala sa ospital ang mga nasugatan. Tumakas naman ang drayber ng jeepney at pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

Kapag nagkakaroon nang malagim na aksidente sa kalsada, ang laging dahilan ay nawalan ng preno. Laging ganito ang sinasabing alibi. Marami nang nangyaring trahedya sa kalsada at lahat ay isinisisi ang nasirang preno. Hindi lamang mga jeepney ang may ganitong problema kundi pati na ang mga truck. May mga jeep at truck na inaararo ang mga bahay sa gilid ng kalsada. Ang dahilan, nawalan ng preno.

Sa nangyaring trahedya sa Libon, Albay, talagang mawawalan ng preno ang jeepney sapagkat sobrang luma na ito. Sa sobrang luma, hindi na kakagat ang preno at talagang bubulusok sa bangin. Nakadagdag sa pagkasira ng preno ang maraming pasahero na isiniksik na lahat sa biyaheng iyon. Nagahaman sa pasahero ang drayber.

Nasaan na ang kampanya ng pamahalaan na wawalisin na sa kalsada ang mga lumang jeepney. Bakit biglang nawala ang sigasig ng pamahalaan ukol dito? Sabi ni President Duterte noon, kapag hindi raw sumunod sa jeepney modernization ang mga operators, siya mismo ang magpapahatak sa mga lumang jeepney.

Ituloy ang modernisasyon. Walisin ang mga luma at kakarag-karag na jeepney. Huwag nang dagdagan pa ang mga namamatay dahil bumangga at nahulog sa bangin sapagkat nawalan ng preno. Dalhin na sa junk shop ang mga lumang jeepney para maipakilo. Hindi na sila dapat hayaan sa kalsada. Inilalagay nila sa peligro ang buhay ng mga pasahero.

BRIGADA ESKUWELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with