Home Remedies

Mainam ang pagkain ng buto ng kalabasa para sa mga may “enlarge prostate”.

Para maging normal ang “flow” ng menstruation — kumain ng green papaya, ‘yung inilalagay sa tinola. O, kaya, ‘yung papayang medyo nahihinog pa lang at isinasawsaw sa suka.

Para sa sobrang lakas “duguin” kapag may mens­truation — kumain ng nilagang bulaklak ng saging pagkatapos ay uminom ng isang basong gatas.

Para matanggal ang stretch mark — araw-araw pahiran ang affected area ng pinaghalong vitamin E oil or cream at cocoa butter.

Pahiran ng olive oil ang gilagid ng sanggol kapag nagsisimula na itong tubuan ng ngipin. Nakakaginhawa ito sa nangangati niyang gilagid.

Constipation — uminom ng prune juice o kumain ng sariwang kamatis na isinawsaw sa asin. Mas effective kung kakain o iinom nang walang laman ang tiyan. Pansamantalang iwasan muna ang pagkain ng saging.

Panic attack o nerbiyos — nakakatulong ang pag-inom ng vitamin B complex; iwasan o bawasan ang pagkain na mayaman sa carbohydrate; huwag gumamit ng refined sugar (puting asukal). Makabubuting gumamit ng honey or muscovado sugar. Iwasan ang kape at iba pang inuming mataas ang caffeine.

Show comments